Jose Manalo inireklamo rin sa MTRCB, inakusahan ng pagiging racist dahil sa 'Black Out' joke | Bandera

Jose Manalo inireklamo rin sa MTRCB, inakusahan ng pagiging racist dahil sa ‘Black Out’ joke

Ervin Santiago |August 03,2023
facebook
share this

Jose Manalo inireklamo rin sa MTRCB, inakusahan ng pagiging racist dahil sa ‘Black Out’ joke

Ervin Santiago - August 03, 2023 - 06:55 AM

Jose Manalo inireklamo rin sa MTRCB, inakusahan ng pagiging racist dahil sa 'Black Out' joke

Jose Manalo at Zombie

HINDI rin nakaligtas ang veteran comedian at host na si Jose Manalo sa mapanuring mata ng mga netizens na sumusubaybay sa programa nilang “E.A.T.” sa TV5.

Hot topic din ngayon sa social media ang kumalat na video clip mula sa isang episode ng “E.A.T.” kung saan magkakasama sina Jose at Wally Bayola sa “Sugod Bahay Kapatid” segment.

Dito ka-join din nila ang bagong Dabarkads na si Tugue Zombie o Daniel Oke sa tunay na buhay, isang Nigerian content creator.

Unang kumalat sa X (dating Twitter) ang nasabing video clip na pinagpiyestahan nga ng mga netizens dahil sa tila racist remark daw ni Jose kay Zombie.

Sa X account na si “Anima Cristi Fermin” namin ito nakita na may caption na, “RACISM LIVE on TV! pag show ng parents walang MTRCB!”

Dito, bumanat nga ng hirit si Jose tungkol sa co-host nilang Nigerian, “Kapag napanalunan mo sa Bingo ‘to ‘yan ang tinatawag na ‘Black Out!’”

Hindi na ito sinagot ni Bossing Vic Sotto na nasa studio sabay sabing, “Kumusta ang barangay?”

Wally Bayola, Zombie at Jose Manalo

Pero sa split screen video, makikita ang naging reaksyon nina Paolo Ballesteros at Miles Ocampo na nasa studio rin ng TV5. Halatang na-off ang mga ito sa naging joke ni si Jose sa kasama nilang host ni Wally.

“Huy!” ang mariring na sey ni Paolo.

Ganu’n din si Allan K na mababasang napa-“Huy!” din base sa buka ng kanyang bibig.

Baka Bet Mo: Paolo Contis sa bakbakan ng Eat Bulaga at E.A.T. ng TVJ: ‘Mahirap tapatan yung 44 years, wala namang point na maglaban-laban’

Tila dedma rin si Joey sa naging punchline ni Jose na hindi nga nagustuhan ng karamihan sa mga nakapanood ng video clip.

Ilang netizens din ang nag-tag sa X account ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, na pinamumunuan ng anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa na si Lala Sotto-Antonio, ng nasabing video.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa mga netizens.

“Look at Miles and Paolo’s reactions…”

“Tagging MTRCB…”

“Yung andaming pumupuna sa jokes ni #ViceGanda na puro panlalait daw yet we tolerate racist remarks on national tv. Jose Manalo’s awkward joke on a black man on EAT is giving us racism. Miles’ and Paolo’s face shows disappointment. #EATonTV5 #racism.”

“Paolo’s reaction though. Napapansin ko lately na he reacts like this pag alam niyang makaka-offend yung joke.”

“Sitahin kaya ng MTRCB chair?”

“Paolo knows.”

“How about a “racist” joke against this black man on national tv MTRCB? Since when did we tolerate racism? Even Paolo B and Miles di nagustuhan yung joke e. Ano na Lala Sotto? Lol. Vice Ganda and Ion did nothing wrong. Kayo lang nagbibigay ng malice sa action.”

“Kitang-kita naman sa facial expressions nina Paolo at Miles.”

Kamakailan lamang ay inireklamo rin ng mga netizens ang pag-kiss ni Titosl Sen sa asawang si Helen sa nakaraang episode ng “E.A.T.”. Kinalampag nila si MTRCB Chair Lala hinggil dito.

Pero ayon kay Lala, wala siyang nakikitang mali sa eksena ng mga magulang na napanood on national TV. Aniya, “44 years na sila ganyan sa Eat Bulaga never naman nagka-issue.”

Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending