Nora Aunor bida sa ‘Mananambal’, MTRCB nagbigay na ng ratings

Nora Aunor bida sa ‘Mananambal’, ilang pelikula may bagong rating mula sa MTRCB

Pauline del Rosario - February 23, 2025 - 11:36 AM

Nora Aunor bida sa ‘Mananambal’, ilang pelikula may bagong rating mula sa MTRCB

Nora Aunor, MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio

NAGBABALIK big screen ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts na si Nora Aunor!

Ang pinagbibidahan niya ay ang “Mananambal,” isang pelikulang may halong hiwaga at tradisyon na kinunan pa mismo sa isla ng Siquijor!

Ang pelikula ay binigyan ng R-13 (Restricted 13) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ibig sabihin niyan, angkop ito para sa mga manonood na may edad 13 pataas.

Ang role ni Ate Guy sa pelikula ay bilang si Lucia, isang manggagamot at pinipilit na ibulgar ang sagradong sikreto ng kanyang tradisyon.

Baka Bet Mo: Anu-ano ang mga benepisyong matatanggap ni Ate Guy at ng iba pang itinanghal na bagong National Artist?

Bukod sa “Mananambal,” ilang pelikula rin ang nakatanggap ng kanilang mga bagong rating:

R-13 ang “Lisik Origin Point” at “Cleaner,” habang R-16 ang “The Monkey” dahil sa mga nakakatakot na eksena at lenggwahe na angkop lamang sa edad 16 at pataas.

Samantala, may apat pang pelikulang siguradong kagigiliwan ng buong pamilya dahil binigyan ang mga ito ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng MTRCB:

“White Snake: Afloat,” isang Chinese animated film tungkol sa pag-ibig at tadhana ng puting ahas na si Xiaobai.

“Homestead,” isang inspirasyonal na kwento tungkol sa pagsisikap at pagkakaisa sa gitna ng pagsubok.

“Room Next Door,” isang kwento ng pagtanggap, pagmamahal, at pagpapahalaga sa buhay.

“Red Velvet Happiness Diary: My Dear, ReVe1uv” na para sa mga K-pop fans, isang concert film ng sikat na girl group na Red Velvet.

Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ang mga pelikulang may PG rating ay maaaring panoorin ng mga bata basta’t may kasamang magulang o guardian upang gabayan sila sa panonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinihikayat din ng MTRCB ang publiko na suportahan ang mga pelikulang may angkop na rating at binigyang-diin na ang mga ito ay hindi lamang nakaka-engganyo kundi ligtas din panoorin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending