Anu-ano ang mga benepisyong matatanggap ni Ate Guy at ng iba pang itinanghal na bagong National Artist? | Bandera

Anu-ano ang mga benepisyong matatanggap ni Ate Guy at ng iba pang itinanghal na bagong National Artist?

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 11:26 AM

Marilou Diaz-Abaya, Ricky Lee at Nora Aunor

NAGBUNYI hindi lang ang mga Noranians kundi pati na rin ang mga kapwa celebrities ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor matapos matanggap ang pinakabonggang karangalan bilang alagad ng sining.

Abot-langit ang pasasalamat ni Ate Guy kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa lahat ng mga taong sumuporta at nakipaglaban para maibigay sa kanya ang pagkilala bilang National Artist ng Pilipinas.

Sa wakas, makalipas ang ilang taong paghihintay, nakasama rin ang pangalan ng award-winning veteran actress sa listahan ng mga katangi-tanging alagad ng sining na kinilala bilang National Artist.

Inalabas nga ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang nasabing listahan last Friday, June 10 na aprubado nga ni Pangulong Duterte.

“Wala pa akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso at para po sa ating lahat,” ang bahagi ng official statement ni Ate Guy.

Aniya pa, “Sa mga taong nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinangarap na ako’y mahirang na isang National Artist for Film.

“Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon, sa MAMA at PAPA ko, sa aking pamilya at mga anak, lalo na sa mga pinakamamahal kong mga fans at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila, mula noon hanggang ngayon.

“Maraming salamat po sa ating mahal na  Pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito,” mensahe pa ng Superstar.

Nakasama rin sa listahan ng mga bagong National Artist ng bansa sina Fides Cuyugan Asensio para sa musika; Ricardo Lee sa panulat;  Gemino Abad para sa literature; at  Agnes Locsin para sa sayaw.

Kinilala rin ang yumaong direktor na si Marilou Diaz Abaya para sa pelikula; Tony Mabesa sa teatro; at si Salvacion Lim Higgins para sa fashion.

Makakatanggap ng P100,000 (net of taxes) ang mga living awardees samantalang ang legal heirs ng mga posthumous awardees ay makatatanggap ng P75,000 (net of taxes).

Bukod rito ay mayroon din silang monthly life pension, medical and hospitalization benefits, life insurance coverage (para sa mga insurable pang awardees), state funeral at burial sa Libingan ng mga Bayani.

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang Star for All Seasons tungkol sa natanggap na karangalan ni Ate Guy sa pamamagitan ng private chat group ng mga Vilmanians.

“Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.

“And yes, there is always a time for everything.

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat.

“Isang pagpupugay ang dapat natin ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them.

“Mabuhay kayo mga Vilmanians!” pahayag ni Ate Vi.

Samantala, isa sa mga unang nag-congratulate kay Ate Guy ay si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Dino. Narito ang mensahe niya sa bagong parangal sa Superstar.

“Dear Ate Guy,

“Ikinararangal kong makilala ka at matawag kang isang kaibigan. Alam ng lahat how much you deserve this conferment and it was only a matter of time before our government recognizes how much of a treasure you are to our industry. (Shout out to Tatay Digong!)

“Alam kong marami ka pang mga pangarap and I hope I can be of assistance para matupad mo pa ang gusto mong mangyari sa industriya natin lalo na sa mga artista nating kailangan ng welfare.

“More than your genius as an actress, saksi ako sa kabusilakan ng puso mo pagdating sa pagtulong sa mga kapwa nating artista. Kahanga-hanga ang malasakit mo and I hope people see this side of you.

“I miss you ate Guy, and I look forward to working with you again soon. Thank you for all the support you have given me and the FDCP.

“Nandito lang ako lagi for you. Congratulations on this conferment as our National Artist for Film and Broadcast Arts. It’s about time na may representation ang kababaihan sa ating industriya.

“Salamat din sa pagtaas ng antas ng mga aktor sa Pilipinas dahil sa karangalang ito. Mahal kita Ate Guy. Yakap!”

https://bandera.inquirer.net/285298/ate-guy-naturukan-na-rin-ng-covid-vaccine-matapos-dumaan-sa-tamang-proseso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315658/nora-aunor-itinanghal-bilang-isa-sa-mga-national-artists
https://bandera.inquirer.net/297383/vilma-inaming-nagkaroon-sila-ng-tampuhan-noon-ni-nora-aunor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending