Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’
NAGPATUTSADA uli ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon sa nakaraang episode ng bago nilang noontime show na “E.A.T.” na napapanood sa TV5.
Bumanat na naman kasi ang tinaguriang Henyo Master sa mga taong bumubuo sa longest-running noontime show sa bansa at dati nilang programa na “Eat Bulaga.”
Feeling ng mga manonood, patama na naman sa TAPE, Incorporated, ang producer ng “Eat Bulaga” na napapanood sa GMA Network, ang patutsada ni Joey tungkol sa pagiging “legit.”
View this post on Instagram
Ito’y sa gitna nga ng bali-balitang naghahanda na nang bonggang-bongga ang TAPE at ang grupo nina Paolo Contis at Isko Moreno para sa 44th anniversary ng “Eat Bulaga” sa darating na July 29.
Ibinalita ng mga bagong host ng noontime show na magkakaroon sila ng mga bonggang “pasabog” para sa magaganap na anniversary celebration.
Kalat na ngayon sa social media ang video clip kung saan mapapanood nga si Joey na nagsasalita sa isang segment ng “E.A.T.”
View this post on Instagram
Ipinagdiinan niyang ang TVJ at ang original Dabarkads ang “legit” at para sa mga peke raw, kapag binaligtad ang salitang legit, ay magiging “tegil.”
“Kami ang legit yung mga alam n’yo na, peke baligtarin n’yo yung legit.. tigel na kayo,” hirit ni Joey.
Sa video, makikitang tahimik lang si Bossing Vic sa tabi ni Joey habang nagsisigawan at nagpapalakpakan ang studio audience.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens nang mapanood nila ang nasabing video.
“May show na nga kayong sarili ganiyan pa kayo?”
“Yes, kaya kung ako sa Fake Bulaga, magpalit na sila ng name!”
“Henyo master talaga!”
“Ang nega! Pass!”
“Bakit kailangang manlait?”
“Exciting kung paano mag-celebrate ang mga taga -Eat Bulaga knowing na lahat sila eh bago lang, hindi naman sila ang sine-celebrate.”
Samantala, sa isang ulat, sinabi ni Tito Sen na sila ang mas may karapatang mag-celebrate ng 44th anniversary ng “Eat Bulaga”.
“Ano itatapat nila eh wala naman sila doon in the last 43 years? Feb lang pumasok mga new officers then June ito mga bagitong hosts.
“Kami orig na may karapatan mag-celebrate. From TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago,” sabi ng TV host at dating senador.
Kinumpirma rin niya na nagpaplano rin silang ipagdiwang ang ika-44 anibersaryo ng “Eat Bulaga” sa programa nilang “E.A.T.” sa TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.