TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, 'E.A.T.' na ang gagamiting titulo | Bandera

TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, ‘E.A.T.’ na ang gagamiting titulo

Ervin Santiago |July 01,2023
facebook
share this

TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, ‘E.A.T.’ na ang gagamiting titulo

Ervin Santiago - July 01, 2023 - 01:12 PM

TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, 'E.A.T.' na nga ba ang gagamiting titulo?

Tito, Vic & Joey, Pauleen Luna at Vico Sotto

IN FAIRNESS, talagang inabangan at tinutukan ng mga loyal fans nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng iba pang original Dabarkads ang pagsisimula ng bago nilang noontime show sa TV5.

Umaga pa lang ay todo abangers na ang mga supporters at social media followers ng TVJ sa pag-ere ng pilot episode ngayong araw na may hashtag na #IsangLibo’tIsangTuwa at #TVJSaTV5.

Base sa mga nabasa naming comments sa socmed, halos lahat ay kinilabutan at nakaramdam ng kakaibang kaligayahan nang makita at mapanood uli ang iconic trio ng Philippine entertainment industry pati na ang mga Legit Dabarkads.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Na-miss daw talaga nang bonggang-bongga ang TVJ pati na ang mga original co-hosts ng “Eat Bulaga” na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup.

Bongga ang ginawang pagsalubong ng management ng Kapatid Network sa mga Dabarkads sa unang tanggalian nila sa TV5 Studio na nagmistulan ngang fiesta dahil sa dami ng mga taong sumugod sa istasyon sa Reliance, Mandaluyong.

Una munang nagdatingan ang grupo ng JoWaPao kasunod sina Allan K, Ryan, Maine, Ryzza at Carren na winelkam ng mga mga anchor ng Kapatid news program na “Frontline Pilipinas” na sina Gretchen Ho at Kaladkaren.

Kasunod nito, dumating na nga ang TVJ na bumati muna sa lahat ng mga taong sumugod at nakapaligid sa TV5 building bago tuluyang pumasok sa Studio.

Baka Bet Mo: Basher na nagsabing matanda na ang TVJ supalpal kay Joey: ‘Tumahimik ka na, may galit na ‘ko kasi pakialamera at inggitera kayo’

Dito, hindi na napigilan ng tatlong movie at TV icon ang maging emosyonal lalo na sina Bossing Vic at Boss Joey na talagang napaluha na naman dahil sa nararamdaman nilang kaligayahan.

Nang makapasok na sa studio at pumagitna na sila sa stage, nagsigawan at nagpalakpakan ang audience kayo mas lalo pang naging emosyonal ang tatlong veteran TV host-comedian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Makikita sa loob ng studio ang asawa ni Bossing na si Pauleen Luna at misis ni Joey na si Eileen Macapagal na iyak din nang iyak. Ipinakita rin ang wifey ni Oyo Sotto na si Kristine Hermosa at ang anak ni Bossing na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Nandoon din ang isa pang anak ni Vic na si Danica Sotto kasama ang asawa nitong si Marc Pingris.

Marami naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Joey tungkol sa kanilang studi0, “Hindi importante ang laki ng bahay, ang importante sama-sama tayo.”

Samantala, mukhang “E.A.T.” o “Eto Ang Totoo” na nga ang titulo na pansamantalang gagamitin ng TVJ sa programa nila sa TV5 base na rin sa bagong lyrics ng kinanta nilang theme song sa unang bahagi ng programa.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay patuloy na ipinalalabas ang naturang noontime show at siguradong abangers pa rin ang lahat kung “E.A.T” na nga ang title kanilang programa at kung ano ang magiging logo nito.

TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno nagpasintabi sa TVJ bago sumalang sa ‘Eat Bulaga’, walang balak tapatan ang OG hosts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending