TVJ, Legit Dabarkads babandera sa nationwide viewing party mula Aparri hanggang Jolo | Bandera

TVJ, Legit Dabarkads babandera sa nationwide viewing party mula Aparri hanggang Jolo

Ervin Santiago |June 30,2023
facebook
share this

TVJ, Legit Dabarkads babandera sa nationwide viewing party mula Aparri hanggang Jolo

Ervin Santiago - June 30, 2023 - 10:06 PM

TVJ, Legit Dabarkads babandera sa nationwide viewing party mula Aparri hanggang Jolo

TVJ at ang iba pang ‘Legit Dabarkads’

MULING maghahatid ng saya sina Tito, Vic & Joey at ang iba pang Legit Dabarkads dahil narito na ang pinakahihintay na pagbabalik nila sa TV!

Simula ngayon Sabado, Hulyo 1, handa na silang magbigay ng “Isang libo’t, Isang Tuwa” sa kanilang bagong tahanan.

Bilang pagdiriwang sa kanilang pagbabalik, ang TV5 at Cignal TV ay magsasagawa ng isang nationwide viewing party para sa mga tagahanga ng Dabarkads mula Aparri hanggang Jolo upang panoorin ang premiere episode ng sama-sama.

Available ang nationwide viewing party sa mga Cignal TV Inc. Experience and Kiosks, Mall Activity Centers at Barangays ng iba’t ibang lungsod at rehiyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Basco Gym Batanes, Robinson’s Mall Tuguegarao, Robinsons’ Mall Laoag, Brgy. Sapang Bato Covered Court sa Pampanga, Brgy. Mojon Malolos sa Bulacan, SM Sangandaan, Brgy. Western Bicutan sa Taguig, Ang Sta. Lucia Mall sa Cainta, Brgy. 201, sa Pasay, Robinsons’ Gentri Cavite, Pavillon Mall Binan Laguna, Robinson’s Lipa Batangas, Nuciti Mall Mindoro, Ayala Mall Legazpi, Bgy. Magapo San Antonio Evacuation Center Legazpi, SM Mabolo Cebu, Robinsons’ Mall Iloilo, SM Bacolod, SM Roxas, Robinsons’ Tacloban North, GMall Tagum sa Davao del Norte, SM Butuan at Southway Mall sa Zamboanga.

Baka Bet Mo: Allan K, Wally, Ryzza feel na feel ang pagmamahal ng ‘legit Dabarkads’, pero umamin: ‘Nakakapanibago pala ‘yung walang ginagawa’

Bukod sa viewing party, ang TV5 at Cignal TV Inc., ay naghanda ng isang motorcade at mga interactive na activities, iba’t ibang klaseng games at treats na siguradong tatangkilikin ng lahat ng mga manonood.

Nabihag ng TVJ at ng mga legit Dabarkads ang puso ng milyun-milyong tao dahil sa kanilang talento pagdating sa komedya at walang kapantay na presensya sa entablado.

Ang kanilang tunay na pagkakaibigan at pakikitungo sa masa ay ang dahilan kung bakit sila lubos na minahal sa ilang dekadang na nakalilipas. Pagkatapos ng saglit nilang break, magbabalik na sila upang ipagkaisa ang buong bansa sa tuwa at saya!

Kung hindi ka man makakapunta sa venues ng nationwide viewing party, mapapanood ang TVJ at Legit Dabarkads sa TV5 free TV at Sulit TV, TV5HD sa Cignal ch. 15, simulcast sa One PH (Ch. 1 sa Cignal, Satlite at lahat ng Digital TV Boxes). May catch up episodes pa ito ng 4:00pm sa Buko Ch. 2 ng Cignal, SatLite at Cignal Play App.

Pwede rin itong i-stream sa TV5 HD, One PH at Buko on the go sa halagang P75 o panoorin online sa mga official Facebook pages ng TVJ at TV5.

Para naman sa mga Filipino overseas, mapapalabas ang bagong show ng TVJ sa Kapatid Channel sa US, Canada, Middle East, Guam at Papua New Guinea. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Kapatid International FB page.

TVJ, ‘legit’ Dabarkads nag-alay ng misa para sa blessing ng bagong tahanan sa TV5; mapapanood na rin nang libre sa mga remote areas sa Pinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tito, Vic & Joey game na game sa paggawa ng reunion movie; legit Dabarkads hindi iniwan ng loyal supporters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending