Tito, Vic & Joey game na game sa paggawa ng reunion movie; legit Dabarkads hindi iniwan ng loyal supporters
BUKOD sa pinakahihintay na pagbabalik nila sa telebisyon sa darating na July 1, isa pa sa plano nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang magkaroon ng comeback movie.
Yan ang kinumpirma ng iconic trio sa panayam ng ilang members ng entertainment media sa naganap na presscon ng TVJ at ng mga legit Dabarkads para sa pagbibidahan nilang programa sa TV5.
Ayon sa tatlong veteran TV host-comedian, looking forward sila sa muling paggawa ng pelikula sa mga susunod na taon ngayong nabuo na nga ang kanilang TVJ Productions.
View this post on Instagram
Sinabi ni Tito Sen na hindi imposibleng magbida uli sila sa mga pelikula at lahat daw sila ay excited sa pagbabalik nila sa big screen. In fact, talagang marami ang nagre-request na magsama-sama uli sila sa isang bonggang movie na pwedeng isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Isa ‘yan sa napag-usapan, ‘yung gumawa kaming tatlo muli ng pelikula,” ang pahayag ni Tito Sen.
Bukod dito, may pag-uusap na rin ang TV5 at TVJ Productions para sa ilan pa nilang collaborations, kabilang na nga riyan ang pagre-revive ng iconic comedy show nina Tito, Vic & Joey na “Iskul Bukol.”
Baka Bet Mo: TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’
Samantala, umaasa ang TVJ at ang iba pang original Dabarkads tulad nina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, and Carren Eistrup na hindi sila iiwan ng mga loyal viewers ng “Eat Bulaga.”
Ibinandera din ni Joey ang kanyang pagsaludo sa lahat ng kanilang co-hosts, “Hindi nila alam ito pero matagal na naming napapansin na may sarili silang mga diskarte sa hosting, na di biro dahil live kami araw-araw.
Partikular na binanggit ni Joey ang segment nila sa “Eat Bulaga” na “Bawal Judgemental”, “Napakahirap ng portion namin na ‘yan. Lahat ng topic, mapa-sensitibo at kung ano pa man, tinatalakay namin diyan.
View this post on Instagram
“Ang galing nila magtanong. Hindi ‘yan feed ng writers namin, sila lang talaga ‘yun,” aniya pa.
Samantala, looking forward din ang TVJ sa selebrasyon ng 50th anniversary ng “Eat Bulaga” sa 2029. Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng longest-running noontime show ang kanilang 44th anniversary.
“Eto ang tunay na ginto!” ang mariing pahayag ng tinaguriang Henyo Master.
Kasabay ng kanilang paglipat sa TV5, in-announce rin ng TVJ ang pagre-renew nila ng kontrata bilang mga brand ambassador Puregold.
Ayon kina Tito, Vic & Joey, nagpapasalamat sila dahil hindi pa rin sila iniwan ng isa sa kanilang mga loyal advertisers.
Ang pagpirma uli ng contract ng dalawang kampo ay pagpapatuloy lamang ng mahaba at makabuluha nilang tambalan.
Sa pagsisimula ng kumpanya, noong mas kaunti pa sa 50 ang kanilang mga tindahan, hindi nagdalawang-isip ang TVJ na makipagtulungan sa kanila kaya naman looking forward sila na makamit pa ang mas marami pang tagumpay kasama sina Tito, Vic & Joey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.