Joey sa paglayas ng TVJ sa GMA at paglipat sa TV5: 'Feeling namin para kaming sina St. Joseph at Mama Mary na naghahanap ng bahay' | Bandera

Joey sa paglayas ng TVJ sa GMA at paglipat sa TV5: ‘Feeling namin para kaming sina St. Joseph at Mama Mary na naghahanap ng bahay’

Ervin Santiago - June 25, 2023 - 07:26 AM

Joey sa paglayas ng TVJ sa GMA at paglipat sa TV5: 'Feeling namin para kaming sina St. Joseph at Mama Mary na naghahanap ng bahay'

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (Photo from Joey de Leon Instagram)

INIHALINTULAD ng tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon sa sugal na “mahjong” ang nangyaring rigodon at lipatan ng mga noontime show.

Ayon sa veteran TV host-comedian, talaga raw nagulo ang mundo ng telebisyon sa pagre-resign nila nina Tito Sotto at Vic Sotto sa TAPE Incorporated matapos ang samu’t saring isyu at kontrobersiya sa “Eat Bulaga.”

Lumipat na nga ang TVJ at ang mga legit Dabarkads sa TV5 habang ang “It’s Showtime” naman ng ABS-CBN ay napapanood na rin sa GTV ng GMA Network at ang bagong “Eat Bulaga” ay nananatili pa rin sa Kapuso Network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon sa ginawang announcement ng TVJ at ng TV5, mapapanood na sa darating na July 1 ang bagong programa ng legit Dabarkads at sa nasabing petsa na rin nila ibabandera kung ano ang magiging titulo nito.

At kung “Eat Bulaga” pa rin ang gagamitin ng TVJ ay posibleng magkademandahan na nga raw ang iconic trio at ang TAPE na pag-aari ng pamilya Jalosjos.

Ayon kasi kay Bossing Vic, kahit anong mangyari ay “Eat Bulaga” pa rin ang nais niyang gamiting titulo sa paglipat nila sa Kapatid Network. Hindi raw siya papayag na basta na lang itong agawin ng kung sinu-sino lang.

Sabi nga ni Joey, mas naging maingay at exciting pa nga raw ang labanan ng mga shows sa telebisyon lalo na sa noontime slot.

Baka Bet Mo: Jay, Angeli, Sean walang arte-arte sa shooting ng ‘Mahjong Nights’, lahat palaban

Ikinumpara pa nga niya ang nangyayaring “kaguluhan” sa TV industry sa larong “mahjong” dahil nang layasan nila ang TAPE at ang GMA 7 lahat daw ay nawindang at nagkagulo.

Samantala, inilarawan naman ni Joey ang paghahanap nila ng bagong tahanan sa nangyari noong panahong nakatakda nang isilang si Jesus Christ.

Nabanggit niya ito habang nagpapasalamat sa TV5 management at MediaQuest Holdings, Inc., partikular na sa chairman at CEO nitong si Manny Pangilinan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang feeling namin para kaming si St. Joseph, Mama Mary, na naghahanap ng bahay. Hindi ko naman sinasabing ito’y sabsaban, napakagandang sabsaban nito. Napakalaki.

“Pero nagbigay ng tahanan. Thank you, thank you sa lahat,” ang naiiyak na pahayag ni Joey.

Mensahe naman ni Tito Sen, “In other words, thank you is not enough. Salamuch!”

“Maraming, maraming salamat. Kumatok kami, pinagbuksan n’yo kami ng pintuan, at talagang ramdam na ramdam namin ang pagmamahal, pagmamahal na hindi boss kundi isang Kapatid,” sabi naman ni Bossing Vic na hindi nakapagsalita nu’ng una dahil naunahan siya ng kanyang emosyon at hindi napigilan ang mapaiyak.

“Siguro nga, dito na kami dinala ng tadhana,” aniya pa.

Angeli Khang tumangging maging sundalo tulad ng amang Koreano: Gusto ko talagang mag-artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angeli Khang tumodo sa mga sex scene sa ‘Mahjong Nights’: Naliligo pa lang, hubo’t hubad na ‘ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending