TVJ, 'legit' Dabarkads nag-alay ng misa para sa blessing ng bagong tahanan sa TV5; mapapanood na rin nang libre sa mga remote areas sa Pinas | Bandera

TVJ, ‘legit’ Dabarkads nag-alay ng misa para sa blessing ng bagong tahanan sa TV5; mapapanood na rin nang libre sa mga remote areas sa Pinas

Ervin Santiago - June 29, 2023 - 06:45 PM

TVJ, 'legit' Dabarkads nag-alay ng misa para sa blessing ng bagong tahanan sa TV5; mapapanood na rin nang libre sa mga remote areas sa Pinas

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang iba pang original Dabarkads

HANDANG-HANDA na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang mga original at legit Dabarkads ng “Eat Bulaga” sa pagbabalik-telebisyon nila sa darating na Sabado, July 1.

Bago ang pinakaabangang pag-ere ng bagong noontime show ng iconic trio ay nag-offer muna sila ng Mass ngayong araw para sa blessing ng kanilang studio sa TV5, kasama ang buong team ng TVJ Productions.

Sa official Facebook account ng TVJ, makikita ang mga hosts at buong production na seryosong nakikinig sa officiating priest habang ginaganap ang Misa.

Bukod kina Tito, Vic & Joey, naroon din sina Jose Manalo, Allan K, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon at Carren Eistrup. Makikita rin sa mga litrato ang asawa ni Bossing na si Pauleen Luna kasama ang anak nilang si Tali.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“TVJ and the Legit Dabarkads during the mass and blessing of our new home!” ang nakasaad sa caption.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga fans at social media followers ng original hosts ng “Eat Bulaga” at halos lahat ay nagsabing abangers na sila sa pagsisimula ng kanilang noontime show sa TV5.

Samantala, in-announce naman ng Cignal, ang number 1 Pay TV provider sa bansa at ng SatLite, na itinuturing na fastest growing sulit Pay TV service, na maaari na ngang mapanood ng kanilang subscribers ang long-awaited return ng TVJ noontime show simula sa July 1.

Baka Bet Mo: Vic ibinuking na pinatatanggal ng TAPE ang ‘Bawal Judgmental’ segment ng ‘Eat Bulaga’, Joey umiyak habang ipinagtatanggol ang ‘legit Dabarkads’

Bilang special treat, Cignal and SatLite will make TV5 SD (Ch. 5) FREE for all subscribers (with or without load) from July 1 to 8. Ibig sabihin, mas marami pa ang makakapanood sa paglipat ng TVJ sa TV5, kahit na sa pinaka-remote areas sa bansa.

From Batanes to Jolo, subscribers can simply switch on their Cignal or SatLite boxes to watch and enjoy the first week of TVJ’s highly anticipated noontime show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Enjoy the return of TVJ and the Legit Dabarkads in high-definition quality on Cignal’s TV5 HD (Channel 15), a first on Pay TV. Current Cignal subscribers with an active subscription can access this channel in their existing channel line-up, along with more HD channels.

“We are excited to finally watch TVJ and the Legit Dabarkads live on TV again. By making TV5 SD free on Cignal and SatLite, TVJ’s return to noontime television will be available to more of our customers.

“This is consistent with our promise to continuously deliver top quality entertainment that is relevant and accessible for all,” ayon kay Gerard L. Milan, Chief Revenue Officer ng Cignal TV.

Ayon naman sa iconic trio, asahan ang mas pinabonggang noontime show sa paglipat nila sa TV5, na inilarawan pa nga ni MediaQuest Chairman Manny V. Pangilinan bilang isang “investment agreement.”

For further nformation regarding Cignal’s plans and offers, visit their website at www.cignal.tv.

Tito, Vic & Joey game na game sa paggawa ng reunion movie; legit Dabarkads hindi iniwan ng loyal supporters

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Allan K, Wally, Ryzza feel na feel ang pagmamahal ng ‘legit Dabarkads’, pero umamin: ‘Nakakapanibago pala ‘yung walang ginagawa’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending