Paolo wish makausap ang original Dabarkads: 'I would love to work with Tito, Vic & Joey...importante lang na alam nila yung nasa puso ko' | Bandera

Paolo wish makausap ang original Dabarkads: ‘I would love to work with Tito, Vic & Joey…importante lang na alam nila yung nasa puso ko’

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 07:52 AM

Paolo wish makausap ang original Dabarkads: 'I would love to work with Tito, Vic & Joey...importante lang na alam nila yung nasa puso ko'

Paolo Contis, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

WALANG nakikitang dahilan ang Kapuso host-actor na si Paolo Contis para sumama ang loob o magalit sa kanya ang tatlong TV and movie icon na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Naniniwala si Paolo na naiintindihan ng TVJ kung bakit niya tinanggap ang offer ng TAPE Incorporated at GMA 7 na maging host sa bagong “Eat Bulaga” matapos mag-resign ang mga original Dabarkads.

Sa guesting ng aktor sa Kapuso comedy show na “The Boobay and Tekla Show”, inamin niyang nagpadala siya ng private messages kina Bossing at Joey. Ito’y sa pamamagitan ng asawa ni Vic na si Pauleen Luna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ipinarating daw ni Pao sa dalawang veteran TV host-comedian na isa nga siya sa mga kinuhang host para humalili sa kanilang pag-alis matapos mag-resign sa TAPE.

Sinabi rin daw ni Paolo sa mga original host ng “Eat Bulaga” na wala silang intensiyong palitan ang TVJ dahil napakalaki ng paghanga at pagrespeto nila sa lahat ng taong involved sa longest-running noontime show sa Pilipinas.

Sa katunayan, wish ni Paolo na sana’y mabigyan sila ng pagkakataon na magkaharap-harap at magkaroon ng heart-to-heart talk.

“Nu’ng tinanggap ko yung trabaho sa ‘Eat Bulaga,’ para sa akin importante na makapagpasintabi ako lalo na sa mga naging close ko.

Baka Bet Mo: Tito Sotto ‘nanggigil’ nang sabihing hindi mabubuhay kung walang ‘Eat Bulaga’: TVJ na kami

”Of course sa akin trabaho yun, kailangan kong gawin. So, nagpasintabi ako kay Bossing (Vic) through Pauleen, nag-message ako kay Pauleen.

“Si Tito Joey kasi, kumpare ko. So nag-message ako sa kanya para magpasintabi lang, letting him know na I meant no disrespect and hopefully, we can talk eventually,” pagbabahagi ng boyfriend ng aktres na si Yen Santos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey pa ni Pao, “Sa akin, importante lang na alam niya yung nasa puso ko. Regardless kung nag-reply siya or not, meron akong kaibigan na nakausap niya, nalaman ko na somehow okay siya doon. Alam niyang trabaho lang.”

Kasunod nga nito, sinabi ng aktor at TV host na, “Honestly, wala ako makitang reason, on a personal level, bakit kami hindi magiging okay.

“Kasi wala naman kaming ginagawa para i-disrespect sila. I would love to work with Tito, Vic, and Joey. Maliit lang ang showbiz,” paliwanag pa ni Paolo.

Sa darating na July 1 ay magsisimula na ang programa ng TVJ at ng mga tinatawag na legit Dabarkads sa TV5. Sa mismong araw ng kanilang muling pag-ere babandera ang magiging titulo ng bago nilang noontime show.

True ba, Sharon kinukuha sa bagong show nina Tito, Vic & Joey kapag nilayasan na ang Eat Bulaga?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bossing Vic pinanood ang bagong ‘Eat Bulaga’: ‘OK naman, siguro after 44 years mas gagaling pa sila’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending