Bossing Vic pinanood ang bagong 'Eat Bulaga': 'OK naman, siguro after 44 years mas gagaling pa sila' | Bandera

Bossing Vic pinanood ang bagong ‘Eat Bulaga’: ‘OK naman, siguro after 44 years mas gagaling pa sila’

Ervin Santiago |June 22,2023
facebook
share this

Bossing Vic pinanood ang bagong ‘Eat Bulaga’: ‘OK naman, siguro after 44 years mas gagaling pa sila’

Ervin Santiago - June 22, 2023 - 03:55 PM

Bossing Vic pinanood ang bagong 'Eat Bulaga': 'OK naman, siguro after 44 years mas gagaling pa sila'

NAGPAKATOTOO sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon nang matanong kung napanood ba nila ang bagong “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Isa kasi sa mga natanong sa iconic trio sa ginanap na Media Day ng TVJ at ng mga “legit” Dabarkads sa TV5 nitong nagdaang Lunes, June 20, kung napapanood nila ang dati nilang programa.

Diretsahang inamin ni Tito Sen na hindi pa niya napapanood ang noontime show sa Kapuso Network na pinangungunahan ngayon nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at Isko Moreno.

“Hindi e. Fortunately and unfortunately, hindi. Hindi ako nag-attempt man lang. Iniisip ko baka malungkot lang ako o mainis ako,” pahayag ng veteran TV host-comedian at dating senador.

Sabi naman ni Joey, “Trabaho yan, e. Ako, sumilip. Nu’ng nag-Facebook live din ako, Pare (sabay baling kay Bossing Vic), meron din ako sa Singapore, meron pa galing sa APT Studios.

“Tuwang-tuwa sila. Nakakatuwa, e, ini-embrace kami at ipinapakita nila yung… hindi mo naman puwedeng lokohin ang sarili mo, di ba?

“Magtanong ka sa mga tao. Ano ang naiisip niyo kapag sinabing Eat Bulaga!? Alangan namang sabihin nila si Mayor, si ganu’n,” ang punto ni Joey na obviously ang tinutukoy ay si dating Manila Mayor Isko Moreno.

Baka Bet Mo: ‘Dabarkads’ na ang magiging title ng show nina Tito, Vic & Joey sa TV5; JoWaPao umayaw daw sa offer ng TAPE?

Hirit naman ni Vic, “Ako sinilip ko. Okay naman. Siguro after mga 44 years, mas gagaling pa sila.

“Ah, hindi! Okay naman. Magkakaibigan naman kami lahat diyan e,” aniya pa.

Hirit uli ni Joey, “Kaya nga nabuhay. Sabi nga ng presidente namin, nabuhay ang TV. Pasalamat sila sa amin. Walang yabang talaga!”

Nauna rito, sinabi ni Bossing na “Eat Bulaga” pa rin ang gusto niyang maging title ng bago nilang noontime show sa TV5.

Hindi raw siya papayag na basta na lang agawin ng kung sinu-sino lang ang titulong “Eat Bulaga” kaya ipaglalaban daw nila ito.

Wala pang final title ang bagong programa ng TVJ sa Kapatid Network pero nangako sila na ibabandera nila ang gagamitin nilang titulo kapag umere na sila sa July 1.

Gusto raw nila itong gawing sorpresa para sa lahat ng mga Dabarkads na naghihintay sa pagbabalik nila sa telebisyon matapos mamaalam sa TAPE Incorporated at GMA Network.

Pero isa lang ang siniguro ng TVJ sa bago nilang show, babalik ang “Pinoy Henyo” at “Bawal Judgmental” plus more better and newer portions, lalo pa’t magiging hands on na sila sa buong production.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vic kakaririn ang pagbabalik-pelikula para sa MMFF 2023; umamin kung ano ang madalas nilang ‘pagtalunan’ ni Pauleen

Pauleen Luna pinaiyak nina Ice Seguerra at Vic Sotto; may nakakalokang bukingan tungkol sa ‘father & son’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending