Pauleen Luna pinaiyak nina Ice Seguerra at Vic Sotto; may nakakalokang bukingan tungkol sa 'father & son' | Bandera

Pauleen Luna pinaiyak nina Ice Seguerra at Vic Sotto; may nakakalokang bukingan tungkol sa ‘father & son’

Ervin Santiago |October 16,2022
facebook
share this

Pauleen Luna pinaiyak nina Ice Seguerra at Vic Sotto; may nakakalokang bukingan tungkol sa ‘father & son’

Ervin Santiago - October 16, 2022 - 06:07 PM

MARAMING pinaiyak ang OPM icon na si Ice Seguerra sa kanyang 35th anniversary concert na “Becoming Ice” na ginanap kagabi sa The Theater at Solaire.

Naging matagumpay ang comeback concert ni Ice bilang bahagi ng selebrasyon ng 35 years niya sa entertainment industry at ngayon pa lang ay marami na ang nagre-request na sana’y magkaroon agad ito ng repeat.

Isa sa mga nagmarka at iniyakan ng audience sa mga ginawang production numbers ni Ice ay ang kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si Vic Sotto. Kinanta nila ang “Somewhere Out There” nina Linda Ronstadt at James Ingram.

Ngayong araw, nag-post ang wifey ni Bossing Vic na si Pauleen Luna sa kanyang Instagram account ng video clip na kuha habang kumakanta sa stage ang veteran TV host-comedian at si Ice.

“This made me cry,” ang panimulang mensahe ni Pauleen sa kanyang caption with matching crying face emoji.

Maririnig sa video ang pagpapakilala ni Ice sa kanyang “Tito Vic”. Simulang hirit ni Bossing, “May tanong ako, ‘pag kumanta ba tayo kakandungin kita?” Naalala raw kasi ng TV host noong bata pa lang si Ice na palaging nakakandong sa kanya kapag kumakanta sila.

“Huwag na, baka mabali tuhod mo eh,” ang birong sagot naman ni Ice kay Bossing na sinundan ng tawanan ng audience.

View this post on Instagram

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)


Pagpapatuloy naman ni Pauleen sa kanyang caption, “Growing up, I watched you and Vic be a tandem on screen but what people don’t know is the relationship you have when no one is watching. Sabi mo nga last night, father and son.”

Tinanong din daw siya ni Vic kung paano sila naging close ni Ice, “To be honest, di ko alam kung papano sasagutin.

“All I could say was ‘I honestly do not remember, basta ang alam ko, suplado yan but I felt that he liked me and na appreciate ko yun kaya vinalue ko yung relationship,’” sagot ni Poleng.

“Aba, alam mo ba naman ang sabi ng tatay mo? ‘Baka type ka!’ LOKO!” sey pa ng aktres at TV host.

Sa huli, pinuri ni Pauleen si Ice nang bonggang-bongga, “Watching you pour out your heart and soul last night made me realize what a bigger star you are. On stage and off stage.

“Kung magmahal ka, kahit tao man yan o craft o ano man, you give your all. Kaya we are so blessed to have you in our lives @iceseguerra! Congratulations! Iba ka!!!!” mensahe pa ni Pauleen sa award-winning singer-songwriter.

Bukod kay Vic, ilan pa sa naging guests ni Ice ay sina Regine Velasquez, Chito Miranda, Martin Nievera, Gary Valenciano at marami pang iba. Si Ice rin ang nagdirek ng kanyang anniversary concert.

Ice Seguerra pinaiyak ang mga um-attend sa Healthy Pilipinas Short filmfest; Liza Dino super pasalamat sa DOH

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra hinding-hindi malilimutan nang biglang malaos, plano nang mag-quit sa showbiz: Tutugtog na lang ako sa barko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending