Ice Seguerra pinaiyak ang mga um-attend sa Healthy Pilipinas Short filmfest; Liza Dino super pasalamat sa DOH | Bandera

Ice Seguerra pinaiyak ang mga um-attend sa Healthy Pilipinas Short filmfest; Liza Dino super pasalamat sa DOH

Ervin Santiago - June 26, 2022 - 08:40 AM

Ice Seguerra, Liza Dino at ang mga direktor na nakilahok sa Healthy Pilipinas Short Film Festival

PINAIYAK ng singer-songwriter at OPM icon na si Ice Seguerra ang halos lahat ng nanood sa opening at awarding ng “Healthy Pilipinas Short Film Festival”.

Successful ang ginanap na launch ng nasabing film festival sa Shangri-La Plaza Red Carpet Cinema 1 na unang collaboration ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Department of Health (DOH).

Dito ipinalabas ang anim na featured short films na may iba’t ibang kuwento at tema ngunit may isa at natatanging mensahe para sa sambayanang Filipino — ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa kalusugan at katawan.

Napanood na namin ang anim na short films at in fairness, feeling namin lahat naman ng direktor ay nagtagumpay sa kanilang adhikain na maiparating sa publiko ang bawat mensaheng nais nilang ipaabot sa bawat Pinoy.

Ang anim na filmmakers na lumahok sa filmfest ay mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na kumasa sa hamon na mag-produce ng pelikula (hindi hihigit sa 17 minutes each) tungkol sa iba’t ibang health issue.

Ito ay ang sumusunod: “Ang Paboritong Pinggan ni Nanay” ni Carlo Enciso Catu; “Child’s Play” ni Julienne Ilagan; “Brand X” ni Keith Deligero; “Llegada” ni Ryanne Murcia at Zurich Chan; “Life On Moon” ni Sheron Dayoc; at ang “Dito Ka Lang” ni Ice Seguerra.

The following short films cover the Healthy Habits on fitness and nutrition, sustainable living, substance abuse prevention, mental health, safe sex, and safety measures.

Pero sa anim na pelikula, dalawa ang talagang nagmarka sa amin, ang animation na “Brand X” at ang musical documentary ni Ice Seguerra na “Dito Ka Lang.”

Tawa kami nang tawa sa “Brand X” na ginamitan ng salitang Bisaya kung saan idinaan sa tambalan ng botelya ng shampoo at conditioner ang kuwento na sa huli’y ipinamukha sa viewers ang national issue patungkol sa climate change.

Maganda at masasabing dekalidad na rin ang animated short film na “Brand X” kahit pa nga limited ang budget nila na nagmula nga sa FDCP at DOH. At kahit nga idinaan ang kuwento sa komedya, malinaw pa ring nailahad ng direktor ang  nais niyang iparating sa publiko.

At pagkatapos nga kaming patawanin ng “Brand X”, pinaiyak naman kami ni Ice sa kanyang docu-movie na “Dito Ka Lang” kung saan for the first time ay nag-open up ang singer-songwriter sa kanyang mental health problems.

Grabe! As in habang pinanonood namin ang unang directorial job ni Ice ay hindi namin namamalayan na nakikiiyak na kami sa kanya pati na ang ibang kasabay naming nanonood.

Mas naiyak pa kami nang kantahin na ni Ice nang live ang kantang binuo niya para sa kanyang docu sa tulong ng asawa niyang si FDCP Chairperson and CEO Liza Diño Seguerra, ang “Wag Kang Aalis.”

Sure na sure kami na magiging national anthem ito ng mga kababayan nating patuloy na nakikipaglaban sa anxiety at depression at habang pinakikinggan nila ito ay mararamdaman nilang hindi sila nag-iisa at meron silang halaga.

Inamin sa amin ni Ice na grabe ang kabang naramdaman niya habang ginaganap ang “Healthy Pilipinas” lalo na nang ipinalalabas na ang “Dito Ka Lang.” Ngunit napalitan nga ito ng sobrang kaligayahan ng magpalakpakan na ang audience at umani ng papuri mula sa members ng press.

Ang “Healthy Pilipinas” ay bahagi ng pakikiisa ng FDCP at DOH sa malawakang kampanya ng Duterte administration para sa kalusugan ng bawat Filipino. Ang anim na short film ay gagamitin ng DOH sa kanilang mga health and wellness campaign.

“Healthy Pilipinas” is a communication campaign spearheaded by the DOH which aims to encourage positive health habits among Filipinos especially toward the prevention and mitigation of the spread of diseases.

Sabi ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, “Who would have thought that FDCP and DOH would champion together both of their advocacies in a way that is very relatable and very engaging to our audience.

“It’s amazing how being in lockdown has spurted creativity even in isolation. The film community stayed active with writing, story development, and preparing for the time that shoots and filming will be allowed again.

“We excitedly took this on as health has become a paramount concern for every person globally. It is the right time to harness the power of cinema and social media to communicate something relevant,” aniya pa.

Ayon naman kay Dra. Beverly Ho, DOH Concurrent Director ng Health Promotion Bureau, “We’re happy that this partnership was born because FDCP does the things we are unable to do, they help us raise awareness on the 7 Healthy Habits and of course, with the added benefit of featuring our homegrown talents in the film industry. We are very much excited about this initiative.”

Suportado rin ni DOH Sec. Francisco Duque III ang proyektong ito ng FDCP, “Sa pag-usbong ng new normal bunsod ng COVID-19 pandemic, ang pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ay nararapat maging prayoridad sa bawat tahanan, workplace, paaralan at komunidad.

“Isang paraan upang maipa-abot ang mensahe na ito sa mga tao ay sa pamamagitan ng pelikula at media. Hangad ng ating adbokasiya ang masaya at malikhaing presentasyon ng mga pelikula na dekaledad at puno ng mga magagandang mensahe.

“Halina’t magsama-sama para ang bawat Pilipino ay maging malusog na mamamayan, para sa isang Healthy Pilipinas,” sabi  pa ng Kalihim.

https://bandera.inquirer.net/316475/pangarap-ni-ice-seguerra-na-makapagdirek-natupad-na-sa-totoo-lang-akala-ko-hindi-na-magkakatotoo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305549/sharon-niregaluhan-ng-bagong-baby-si-ice-seguerra-nakatanggap-din-ng-puppy-mula-sa-netizen
https://bandera.inquirer.net/285427/liza-dino-gustong-gumawa-ng-pelikula-tungkol-sa-trans-family-ano-ba-yung-pinagdaraanan-namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending