Lalaking contestant sa ‘Vortas 5’ ng E.A.T. sinaway nang mag-dialogue ng ‘Malaki ‘to’; hinampas ni Allan K
USAP-USAPAN na ngayon sa social media ang naging double-meaning comment ng isang lalaking contestant sa “Vortas 5” segment ng “E.A.T.” sa TV5.
Viral na ang isang video ng male contestant sa “Vortas 5” habang ini-interview nina Allan K at Miles Ocampo kung saan may nabanggit itong mga salita na tila may kabastusan na kahulugan.
Ito’y sa gitna nga ng kontrobersiya tungkol sa pagpataw ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa “It’s Showtime.”
Sa isang bahagi kasi ng naturang contest ay inusisa ni Allan K kung ano ang pinagkakaabalahan ng isa sa dalawang contestant.
Sagot ng lalaki, dati raw siyang elementary teacher na sinundan ng malakas na hiyawan ng studio.
Chika ni Miles sa “Vortas 5″ contestant, “Magaling sa bata ‘to.”
“Mapagpasensya. Mahaba ang pasensya,” sey naman ni Allan K.
“Opo mahaba ‘to,” ang hirit naman ng lalaki.
Baka Bet Mo: Allan K mas kumapit pa kay Lord nang bagyuhin ng pagsubok: Hindi niya ako iniwan…
Tila natulala naman ang lahat dahil biglang tumahimik sa studio. Si Allan K ang unang nagsalita at sinabing “pasensya” raw ang tinutukoy ng contestant sabay hampas sa braso nito.
“Mahaba ang pasensya siyempre bata ‘yon,” pagsang-ayon naman ni Miles.
View this post on Instagram
Makikita naman sa video na napahawak sa bibig ang lalaki habang nakatingin sa taong tila sumaway sa kanya.
Ang kalat na ngayong video ay unang na-post sa isang X (dating Twitter) account na may handle name na “Anima Cristi Fermin.”
May caption itong, “’Mahaba to’ Walang malisya yan. Pwede sa mga jugets na nanonood. Lala at MTRCB walang makitang double meaning!”
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang parusang ibinigay ng MTRCB sa “It’s Showtime” at karamihan sa mga nag-react ay tinawag itong unfair at hindi makatarungan.
Pinag-initan din ng bashers ang chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto dahil may kinikilingan umano ito dahil wala raw itong ginawa nang ireklamo ang “kissing scene” ng mga magulang niyang sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa “E.A.T.” ng TV5.
Paglilinaw naman ni Chair Lala, dumaan sa tamang proseso at sumailalim sa due process ang resolusyon ng MTRCB laban sa “Showtime.”
Samantala, hinihintay pa rin ang magiging verdict ng MTRCB sa pagmumura ni Wally Bayola s! “Sugod Bahay” segment ng “E.A.T.”
Allan K sa yumaong ina: Sana nandito ka pa para kung ano man ‘yung gustuhin mo, maibibigay ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.