Jose Manalo pak na pak ang pagka-mayor sa 'E.A.T.' ng TV5, may plano nga bang tumakbo sa susunod na eleksyon? | Bandera

Jose Manalo pak na pak ang pagka-mayor sa ‘E.A.T.’ ng TV5, may plano nga bang tumakbo sa susunod na eleksyon?

Ervin Santiago - August 29, 2023 - 07:38 AM

Jose Manalo pak na pak ang pagka-mayor sa 'E.A.T.' ng TV5, may plano nga bang tumakbo sa susunod na eleksyon?

Jose Manalo at Wally Bayola

BENTANG-BENTA ngayon ang paandar ng veteran TV host-comedian na si Jose Manalo sa noontime show nilang “E.A.T.” sa TV5 bilang si “Mayor Jose.”

In fairness, talagang bukambibig na ngayon ng mga manonood at ng mga netizens ang bansag sa partner ni Wally Bayola sa kanilang “Sugod Bahay Kapatid” segment as Mayor Jose.

Pinaniniwalaang pangtapat ito ng “E.A.T.” kay dating Manila Mayor Isko Moreno na isa naman sa mga host ngayon ng longest-running noontime program sa bansa, ang “Eat Bulaga” ng GMA 7.

At dahil sa kasikatan ngayon ni Mayor Jose, marami ang nagpapalagay na mukhang may plano raw ang komedyante na pumasok na rin sa mundo ng politika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Baka raw naghahanda na si Jose sa kanyang pagtakbo sa politika kaya naman nagsisimula na siyang magpakilala bilang Mayor sa pamamagitan ng segment nila sa “E.A.T.”

Sa pakikipagchikahan namin sa veteran comedian sa nakaraang mediacon ng bago nilang show ni Wally sa TV5 na  “Wow Mali: Doble Tama” natanong siya tungkol sa isyu ng politika.

Diretsahan namang inamin ni Jose na maraming humihikayat sa kanya na sumabak na rin sa politics, kung saan iba’t ibang posisyon sa gobyerno ang inalok sa kanya.

“Yung tatakbo sa politika, hindi po mangyayari,” ang paglilinaw ng komedyante at original Dabarkads.

Baka Bet Mo: Jose Manalo nagka-ACL injury dahil sa basketball, nakalaban ang mga dating PBA superstars

Pag-amin pa ng TV host-comedian, marami talagang nag-aalok sa kanya na tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno pero palagi niyang tinatanggihan ang mga ito.

“Maraming nag-o-offer. Dati, konsehal, merong vice mayor, pero wala, wala talaga, hindi ko linya. Mahirap.

“Kailangan, ‘yung pinag-aralan mo, mataas. Kailangan, alam mo lahat ‘yung gagawin mo. Hindi ‘yung uupo ka na lang. Hindi pwede, mahirap,” katwiran ni Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pang paliwanag ni “Mayor Jose” “Bilang artista, nagpapasaya tayo, tumutulong, ganu’n din ang mga politiko.”

Samantala, natanong din si Jose kung feeling ba niya ay nag-level up na ang kanyang showbiz career makalipas ang ilang dekada sa mundo ng telebisyon at pelikula.

“Mula noong nag-artista na ako, hanggang ngayon, hindi ko pinapakiramdaman na lume-level up o nagle-level up, hindi. Never akong tumitingin sa palakpak ng tao, sa sigawan ng tao,” paliwanag ng komedyante.

Bukod sa “E.A.T.” ng TV5, napapanood din si Jose kasama si Wally sa ultimate prank show sa bansa na “Wow Mali: Doble Tama”, tuwing 6:15 p.m. every Saturday with same-day airing at 7 p.m. sa BuKo Channel.

TVJ, iba pang legit Dabarkads nagkaiyakan sa unang pasabog ng bagong show sa TV5, ‘E.A.T.’ na ang gagamiting titulo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending