Jose Manalo ipinagtanggol ni Zombie sa 'racist joke': 'Good vibes lang kami...walang mali!' | Bandera

Jose Manalo ipinagtanggol ni Zombie sa ‘racist joke’: ‘Good vibes lang kami…walang mali!’

Ervin Santiago - August 10, 2023 - 02:21 PM

Jose Manalo ipinagtanggol ni Zombie sa 'racist joke': 'Good vibes lang kami...walang mali!'

NAGSALITA na ang bagong Dabarkads na si Zombie Tugue tungkol sa pambabasag ng netizens kay Jose Manalo dahil sa umano’y “racist joke” nito sa isang episode ng “E.A.T.”

Kamakailan lamang ay na-bash nang bonggang-bongga si Jose nang sumalang sa “Sugod Bahay Mga Kapatid” ng Kapatid noontime show kasama sina Zombie at Wally Bayola.

Inakusahan ng mga netizens si Jose ng pagiging racist dahil sa “Black Out” joke niya kay Zombie na isang Nigerian content creator.

Sa nag-viral video clip sa social media, mapapanood na humirit si Jose sa co-host nilang si Zombie, “Kapag napanalunan mo sa Bingo ‘to ‘yan ang tinatawag na ‘Black-out!'”

Hindi na ito sinegundahan ni Vic Sotto na nasa studio ng “E.A.T.” sa TV5 at sa halip nag-dialogue na lang ng, “Kumusta ang barangay?”

Kitang-kita naman sa TV ang naging reaksyon ng mga Dabarkads nilang sina Paolo Ballesteros at Miles Ocampo na nasa studio rin ng TV5. Halatang hindi rin nila nagustuhan ang naging biro ni Jose.

Napasuklay pa nga ng kanyang hair si Miles habang napa-“Huy!” naman si Paolo pati na si Allan K.

Baka Bet Mo: Jose Manalo inireklamo rin sa MTRCB, inakusahan ng pagiging racist dahil sa ‘Black Out’ joke

Kasunod nito, inireklamo ng ilang netizens sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang naturang insidente at ang racist comment ni Jose.

Halos kasabay nito ang kontrobersyal na pagpapatawag ng MTRCB sa “It’s Showtime” producers dahil naman sa umano’y “indecent acts” sa programa ng magdyowang Vice Ganda at Ion Perez.

Ang latest, base sa Facebook Live ni Zombie, ipinagtanggol naman niya si Jose at sinabing hindi naman daw siya nabastos at na-offend sa joke ni Jose.

Aniya, alam niyang nagbibiruan lang sila sa show at nais lamang nilang magpasaya ng mga manonood.

“I did not feel or hear anything bad, good vibes lang kami, or kaming dalawa. Hindi ko napansin na may sinabing mali. Walang mali,” ang pahayag ni Zombie.

Si Zombie ay nagpunta sa Pilipinas para mag-aral ng Nursing at maswerteng nagustuhan nina Tito. Vic & Joey pati na ng iba pang legit Dabarkads kaya naman kinuha na nila itong regular host ng “E.A.T.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Nakahiwalay na asawa ni Jose Manalo pumanaw na, mensahe ng anak: You have always been the wind beneath my wings…

Jose Manalo ibinuking si Buboy Villar: Tumawag sa akin, umiiyak talaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending