Isko Moreno hindi na napipikon sa mga laiterang bashers at haters: ‘Manhid na, eh!’
HINDI na affected si dating Manila City Mayor Isko Moreno sa mga pamba-bash at pambabastos sa kanya ng netizens at sa bagong “Eat Bulaga” sa GMA 7.
Sumalang si Yorme, na isa na ngayon sa mga regular host ng “Eat Bulaga”, sa “Not Gonna Lie” segment ng “Dapat Alam Mo!” kung saan isa sa mga natanong sa kanya ay kung nasasaktan ba siya sa mga nang-ookray sa kanya.
“No” ang sagot ni si Isko na kinumpirma naman ng lie detector dahil “true” ang lumabas na sagot. Natatawang hirit ni Isko, “Manhid na, eh! Ha-hahaha!”
Paliwanag ng TV host-actor, naiintindihan niya ang mga manonood at loyal fans ng “Eat Bulaga” dahil nasanay at nakagawian na ng mga ito ang kanilang pinapanood sa loob ng mahigit apat na dekada.
“Kaya ang kailangang makita ng mga televiewer sa bagong ‘Eat Bulaga,’ yung mga bagong puwedeng maging magdulot ng kasiyahan at saka yung tulong,” aniya pa.
View this post on Instagram
Ipinagdiinan din ng dating alkalde ng Maynila na mas nakatutok at naka-focus ngayon ang bagong “Eat Bulaga” sa televiewers at hindi sa mga host nito tulad niya at nina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya at iba pa.
Baka Bet Mo: Bwelta ni Bea sa mga bashers: I know na wala akong tinapakang tao…
Samantala, sa isang bahagi ng “Not Gonna Lie” segment ng “Dapat Alam Mo!” tawa naman nang tawang nag-“Yes” si Isko nang tanungin kung isa siya siyang certified “takuza” o “takot sa asawa.
Sa mga hindi pa masyadong aware, isang taekwondo champion ang asawa ni Yorme na si Dynee. “True” naman ang lumabas sa lie detector.
Ngunit agad namang umapela si Yorme, aniya ang pagiging “takuza” niya ay bilang respeto sa kanyang wifey at hindi nangangahulagang isa siyang “Ander de saya.”
“Love begets love, respect begets respect,” ang punto ng TV host at dating public servant.
Sa huli, sinabi ng isa sa mga host ng “Dapat Alam Mo!” na si Kuya Kim Atienza, na ang kapatid niyang blackbelter at miyembro ng Taekwondo National Team, ang naging daan para magkakilala sina Dynee at Isko.
Marco, Michelle, Paolo manhid na sa hate comments tungkol sa pagkakulong ni Dennis Roldan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.