Rendon Labador bumanat sa pagpapakain ni Paolo Contis sa ‘Eat Bulaga’: Sustento muna bago manlibre
MULI na namang umariba si Rendon Labador sa social media at tinirada ang TV host-actor na si Paolo Contis.
Nanlibre kasi si Paolo sa kanyang mga kapwa hosts at mga staff ng “Eat Bulaga” ng pagkain na ibinahagi ni Mayor Bullet Jalosjos sa kanyang Instagram story.
Sey ni Rendon, “Anak mo muna pakainin mo bago ka manlibre! SUSTENTO MUNA BAGO KA MANLIBRE!”
Ang panlilibre ng pagkain ni Paolo ay naganap matapos ang anunsyong muling ni-renew ng Intelectual Property Office of the Philippines ang trademark ng “Eat Bulaga” sa susunod na sampung tao sa ilalim ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc.
Wala namang komento si Paolo ukol sa naging patutsada sa kanya ni Rendon.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’
Hindi naman ito ang kauna-unahang pinagsalitaan ng motivational speaker si Paolo sa social media.
Una nang niya itong binanatan ukol sa pagbibigay ng papremyo sa mga contestant ng “Eat Bulaga” kung saan isa siya sa mga napiling bagong hosts kapalit ng TVJ at iba pang dabarkads.
“Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro?” Rendon once said.: “Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo,” banat ni Rendon sa aktor.
Matatandaang inamin ni Paolo noon sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” na hindi siya nakakapagbigay ng sustento sa kanyang mga anak kay Lian Paz.
Samantala, sinagot naman ni Paolo sa interview niya kay Ogie Diaz ang mga ibinabato sa kanya ukol sa pagbibigay papremyo.
Paglilinaw niya, ang mga ibinibigay naman nila sa “Eat Bulaga” ay pera ng production at hindi mula sa kanyang bulsa.
Related Chika:
Paolo Contis binanatan ni Rendon Labador: Sustento muna bago papremyo!
Paolo Contis sa mga nagre-report ng socmed page ng ‘Eat Bulaga’: Hindi kami susuko!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.