Marco, Michelle, Paolo manhid na sa hate comments tungkol sa pagkakulong ni Dennis Roldan | Bandera

Marco, Michelle, Paolo manhid na sa hate comments tungkol sa pagkakulong ni Dennis Roldan

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 09:28 AM

MANHID na ang magkakapatid na Marco, Michelle at Paolo Gumabao sa mga hate comments na natatanggap nila dahil sa sitwasyon ng kanilang amang si Dennis Roldan.

Ayon sa sexy actor at Star Magic artist na rin ngayong si Paolo, tanggap na nila na meron talagang mga tao na maligaya kapag may nalalait at nasasaktan silang kapwa kahit walang ginagawang masama sa kanila.

Hanggang ngayon kasi ay nakakulong pa rin ang tatay nila at ang dating aktor na si Dennis Roldan dahil sa kasong kidnapping noong 2005. 

Ani Paolo, sanay na sanay na silang makatanggap ng mga kanegahan mula sa mga bashers na walang ginawa kundi ang ipamukha sa kanila ang nangyari kay Dennis Roldan.

“Me and my brother and sister si Marco and Michelle we’ve been getting a lot of hate comments because of our situation with our dad and sanay na kami. Anything na sinasabi ng mga ibang tao, we don’t even get affected anymore,” sey ni Paolo sa ginanap na contract signing na “Star Magic Black Pen” kamakailan.

Aniya, hangga’t wala silang inaapakang ibang tao ay wala silang dapat ipaliwang sa publiko. Maa kilala raw nila ang kanilang mga sarili at mahal na mahal din nila ang kanilang ama.

“We know ourselves. We love our dad. And alam naman naming lahat na wala kaming sinasaktang tao,” sabi ng binata.

Samantala, kuwento pa ng hunk actor, seven years old pa lamang siya ay talagang gusto na niyang maging artista tulad ng tatay niya.

Mas lalo pa raw umigting ang kagustuhan niyang pasukin ang larangan ng showbiz nang mapanood niya ang pelikulang “Forrest Gump”.

“This has been my goal ever since I was seven years old and no it is not an easy job because you have to sacrifice a lot. You have to sacrifice a lot of time, effort, you need to be there and show up and learn all the time,” pahayag ni Paolo.

Ano naman ang mga payo ng kanyang tatay na si Dennis Roldan sa kanya ngayong artista na rin siya, “My dad always tells me na always be an empty cup. When you go to taping, always be willing to learn. Kasi kapag puno na yung cup mo hindi na malalagyan, eh.

“If you think that you’re good enough, if you think na mataas ka na, you’re not going to learn anymore. So always be willing to learn,” aniya pa.

Bibida si Paolo sa erotic-drama film na “Lockdown” sa direksyon ni Joel Lamangan. Tungkol ito sa isang lalaki na gagawin ang lahat para  mabuhay sa gitna ng pandemya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama ni Paolo sa pelikula sina Max Eigenmann, Jim Pebanco, Ruby Ruiz, and Angellie Nicholle Sanoy at mapapanood na simula sa July 23 sa live streaming platform na KTX.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending