Dennis nagpaka-fan boy kay Korean director Bong Joon-ho; Patricia napiling host ng 'Dapat Alam Mo!' Bandera

Dennis nagpaka-fan boy kay Korean director Bong Joon-ho; Patricia napiling host ng ‘Dapat Alam Mo!’

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Dennis nagpaka-fan boy kay Korean director Bong Joon-ho; Patricia napiling host ng ‘Dapat Alam Mo!’

Ervin Santiago September 14, 2021 - 08:52 AM

Patricia Tumulak, Bong Joon-ho at Dennis Trillo

SULIT na sulit at may mga bonus pang nagetsing ang personal na pagdalo ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa prestihiyosong 78th Venice International Film Festival.

Bukod kasi sa nakahalubilo niya ang iba’t ibang mga direktor at sikat na Hollywood stars ay nakilala rin niya ang sikat at award-winning Korean director na si Bong Joon-ho.

Kamakailan ay nagtungo nga ang “Legal Wives” lead actor sa Italy para sa world premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na “On the Job: The Missing 8.”

Dito nga nanalong best actor si John Arcilla na co-star ni Dennis sa movie. Siya ang kauna-unahang Filipino actor na nakapag-uwi ng acting award mula sa Venice filmfest.

Bukod sa dream come true ang nominasyon ng kanilang pelikula sa nasabing filmfest ay nakilala rin niya sa event ang kanyang idolo at direktor ng premyadong South Korean movie na “Parasite” na si Bong Joon-ho.

Sa kanyang Instagram post ay hindi naitago ni Dennis ang pagpa-fanboy sa direktor at ibinida pa ang signed copy ng “Parasite” book niya. Aniya sa caption, “Labyu tito Bong! Thank you for signing my book.”

Samantala, tutukan ang mas tumitinding mga eksena sa primetime series na “Legal Wives,” tuwing gabi, sa GMA Telebabad.

* * *

Isa ang Kapuso host na si Patricia Tumulak sa mga pumirma sa pinakamalaking contract signing ng GMA Artist Center kamakailan. Kabilang siya sa long list of artists na nanatiling loyal sa Kapuso Network.

Hindi naman ito pagsisisihan ni Patricia dahil bukod sa hindi siya nababakante sa mga acting role sa TV series ay mayroon pa siyang upcoming hosting project sa ilalim ng GMA Public Affairs. 

Ito ang news magazine na “Dapat Alam Mo!” kung saan si Patricia ang magiging co-host ng beteranong news reporter na si Emil Sumangil.

Bilang news magazine ang show, combo ito ng news at lifestyle stories — “mahahalagang balita at mga makabuluhang kuwento” – say nga sa teaser nito.  Curious tuloy kami sa magiging chemistry nina Emil at Patricia. Magaling na host si Patricia while si Emil ay talaga namang subok na sa paghahatid ng balita.

Talaga namang hindi nauubusan ng bagong putahe ang Kapuso Network, ha! Mapapanood ang “Dapat Alam Mo!” soon sa GTV.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending