Rendon Labador ayaw tantanan si Vice Ganda: Tama na ang paglason sa isip ng kabataan
WALA talagang balak si Rendon Labador na tantanan ang Unkabogable Star at “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.
Sa isa sa kanyang Instagram stories ay ni-repost niya ang isang news report ukol na may titulong “End of Vice Ganda’s era?”
“This is the end of Vice Ganda’s era!” saad ni Rendon.
Pagpapatuloy pa niya, “Tama na ang pag lason sa isip ng mga kabataan at pag normalize ng mga mali!”
May pa-poll pa nga si Rendon sa kanyang followers kung sumasang-ayon ba ito sa kanya o hindi.
Samantala, sinabi naman niya sa kanyang Instagram stories ngayong Miyerkules, September 13, na wala raw siyang personal na galit sa nga taong sinisita niya sa social media.
“Uulitin ko, para sa mga hindi pa rin makaintindi na wala naman tayong personal na galit sa lahat ng taong sinita natin. Gusto lang natin itama ‘yung mga mali nila,” sabi ni Rendon.
Ngunit sa kabila nito ay kapansin-pansin pa rin ang sunud-sunod na patutsada niya laban sa Unkabogable star.
Baka Bet Mo: Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin
View this post on Instagram
Ni-repost rin ni Rendon ang isang artcard ni Vice Ganda kung saan sinabi nitong wala siyang balak pasukin ang politika.
“Kahit gustuhin mo hindi ka naman talaga pwede, yung kahayupan mo nga sa national TV hindi mo parin ma gets,” sabi niya pa.
Hirit pa ni Rendon, sana raw ay matuto na si Vice sa kanyang mga pinaggagagawa dahil “naiistorbo” daw siya ng mga ginagawa ng komedyante.
“Sana matuto kana kasi masyado na akong naaabala sa pag sita ko sa mga katangahan mo.
“Imbes na madami pa sana akong matutulungan, dumagdag ka pa sa problema,” sey ni Rendon.
Bukod rito ay inutusan pa niyang maglabas ng public apology ang “It’s Showtime” host.
“Vice Ganda, inuutusan kitang mag public apology para sa ikabubuti no
Pilipinas,” hirit pa niya.
Related Chika:
Rendon Labador binanatang muli si Vice Ganda: Kung may natitira pa sa’yong utak, umayos ka
Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.