Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin | Bandera

Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin

Therese Arceo |September 09,2023
facebook
share this

Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin

Therese Arceo - September 09, 2023 - 03:31 PM

Rendon Labador naka-lock na ang X account, Instagram page nanganganib na rin
NANGANGANIB nang “mabura” sa social media sites ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador matapos ma-lock ang kanyang X account.

Nitong Biyernes, Setyembre 8, ibinahagi nito sa kanyang Instagram stories ang screenshot ng mensahe sa kanya ng X.

“Hi Rendon Labador, Your account,
@RendonLabador has been locked for violating the Twitter Rules,” bahagi ng mensahe.

Base sa screenshot, ang kanyang mga nalabag na rules ay “graphic violence or adult content in profile images”.

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang problema ni Rendon dahil maging ang kanyang Instagram account ay nalalapit na ring mabura.

Nagbigay na rin kasi ito ng warning matapos nitong malabag ang ilan sa mga community guidelines ng naturang social media platform.

Baka Bet Mo: Rendon nawalan na rin ng Google account: ‘Pati email banned na ako…Hindi na reasonable ang mga pagre-report ninyo!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hate speech ang isa sa mga nilabag na guidelines ni Rendon base sa mga ibinahagi niyang screenshot.

Nagbahagi naman siya ng mensahe sa mga sumusuporta sa kanya sakaling tuluyan na siyang magpaalam sa social media.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala at nagpapadala ng mensahe ngayon… Pasensya na at paralisado kaming lahat dahil dito sa pangyayari,” sey ni Rendon.

Pangako pa niya, “Pilipinas, I will be back!”

Matatandaang noong August nang ibahagi ni Rendon sa kanyang followers ang pagkakabura ng kanyang TikTok account.

Ilang beses nitong sinubukang umapela ngunit palaging nire-reject ng TikTok ang kanyang appeal.

Sunod na nawala kay Rendon ay ang Facebook account pati na rin ang kanyang Google account at Messenger.

Samantala, napag-alaman ng isa sa kanyang staff na diumano’y mga fans raw ng mag-bestfriend na sina Vice Ganda at Coco Martin ang nag-mass report sa kanyang social media accounts.

“Accdg to my staff confirmed na fans ni Coco Martin Batang Quiapo at fans ni Vice It’s Showtime ang nag mass report kaya tuluyang nabura ang facebook accounts ko,” lahad ni Rendon.

Sina Vice at Coco ang talagang malalang pinuntirya noon ng self-proclaimed motivational speaker sa kanyang mga nagong posts at videos online.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’

Facebook account ni Rendon Labador tsinugi na rin matapos pagkaisahan ng netizens: ‘Hindi ako makapaniwala, nagulat ako…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending