Rendon nawalan na rin ng Google account: ‘Pati email banned na ako…Hindi na reasonable ang mga pagre-report ninyo!’
WALA pang isang araw mula nang mawala ang Facebook account ng social media influencer na si Rendon Labador ay na-disabled na rin ang kanyang Google account.
Ito ang ibinalita mismo ng self-proclaimed motivational speaker sa kanyang Instagram Stories.
Update niya ngayong September 8 ng tanghali, “Binura na ako ni Google.”
“Kahit email bawal na rin ang Rendon Labador?” tanong pa niya.
Ayon sa screenshots ng natanggap niyang email, nagkaroon ng “severe violation” ang kanyang account dahil mayroon daw siyang content na nagpapakita ng batang sekswal na inaabuso at pinagsamantalahan.
“It looks like this account has content that involves a child being sexually abused and exploited. This is a severe violation of Google’s policies and might be illegal,” sey ng website sa kanyang email.
Mariing naman ‘yang itinanggi ni Rendon at sinabi sa caption, “Saan kaya ito? Hindi nga ako nag uupload sa YT ng video matagal [nang] panahon or kung saan google man ‘yan…may nag complain parin? Baka nagkakamali kayo ng report.”
Baka Bet Mo: Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’
View this post on Instagram
Sa isa pang IG Story, tila nanawagan pa si Rendon sa mga naniniwala at sumusuporta sa kanya kung maaaring bigyan siya ng pagkakataon upang ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya.
“Ang mensahe ko sa mga naniniwala at gustong suportahan ang advocacy ko para sa katotohanan at maitama ang mga mali sa Pilipinas, kung bigyan ninyo ako ng platform para magsalita ay gagawin ko,” wika niya.
Dagdag pa niya, “Hindi ko sigurado kung makakapag-video pa ako sa YouTube dahil sa sitwasyon. Hindi ko alam ang propagandang ito para mapigilan nila ako.”
“Ito nalang ang working email ko as of the moment, dito ninyo ako kausapin: [email protected],” pagbabahagi pa niya.
Takang-taka rin ngayon si Rendon dahil umabot daw sa mahigit 30 million ang nagre-report sa kanya sa social media.
Ani niya, “Saang galing ‘yang 30+million na nagre-report?? Bakit ngayon lang kayo naglalabasan?”
“Hindi na tama ‘yan. Hindi na reasonable ang mga dahilan ng mga pagre-report ninyo. Pati email banned na ako,” mensahe pa niya sa publiko.
Sey pa ni Rendon, “Kawawa talaga ang Pilipinas kung wala ako. Kahit ano nalang basta may ma-report?”
Magugunitang sunod-sunod nang naba-ban ang social media accounts ni Rendon.
Unang na-takedown ang TikTok account ng social media influencer matapos i-report ng mga taong galit na galit sa kanya.
At kasunod nga niyan ay natsugi na rin ang official Facebook page niya na may halos two million followers at milyun-milyong likes.
Ibinabalita ito mismo ni Rendon sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
Napag-iinitan ng mga netizen ang self-proclaimed motivational speaker dahil sa mga prangka at maanghang nitong mga comments sa mga local celebrities at political leaders ng bansa.
Related Chika:
e-mail ni Mikee Quintos na-hack, pati YouTube channel hindi na ma-access
Lauren Dyogi ibinuking ang modus ng scammer gamit ang pangalan niya at ng ‘PBB’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.