e-mail ni Mikee Quintos na-hack, pati YouTube channel hindi na ma-access | Bandera

e-mail ni Mikee Quintos na-hack, pati YouTube channel hindi na ma-access

Pauline del Rosario - January 29, 2023 - 12:35 PM

e-mail ni Mikee Quintos na-hack, pati YouTube channel hindi na ma-access

PHOTO: Instagram/@mikee

ISA nanamang artista ang nabiktima ng hacker!

Sa pamamagitan ng Instagram Stories ng Kapuso actress na si Mikee Quintos ay inanunsyo niya na na-hack ang kanyang email, pati na rin ang kanyang YouTube account.

Sey niya, “my email got hacked this morning. I’m still in control of my Facebook and IG, but I lost all access to my channel and YouTube Studio.”

Isinumbong niya rin na napalitan pa ng pangalan ang kanyang YouTube account at ginawa raw itong “Tesla PH.”

“The hacker changed the channel name to ‘Tesla PH’ and changed all my email recovery options,” aniya.

“Please pray for me (crying emoji),” dagdag pa ng aktres.

Ngunit nang tingnan namin ang sinasabing account ay tila deleted na ito sa YouTube.

Panawagan pa ni Mikee sa publiko na huwag na munang mag-reply sakaling may mag-message gamit ang kanyang email.

Saad niya sa IG Story, “For the time being, Please don’t reply to any email from me.”

Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon ay muling binuhay ni Mikee ang kanyang YouTube channel na kung saan ay masaya pa niyang inanunsyo na magkakaroon siya ng bagong vlog series.

Ito ang “Sincerely, Mikee” na tampok ang kanyang pagiging artista, pati na rin ang ilang special moments sa buhay.

Kung maaalala rin ast year ay nawalan ng Facebook account ang ilang kilalang celebrities gaya nina Zsa Zsa Padilla, Ivana Alawi, Zeinab Harake at marami pang iba.

Related chika:

Lauren Dyogi ibinuking ang modus ng scammer gamit ang pangalan niya at ng ‘PBB’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Facebook page ni dating QC Mayor Herbert Bautista na-hack

YouTube channel ni Rita na-hack; epekto ng ‘Ang Dalawang Ikaw’ sa manonood mas tumindi pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending