Facebook account ni Rendon Labador tsinugi na rin matapos pagkaisahan ng netizens: 'Hindi ako makapaniwala, nagulat ako...' | Bandera

Facebook account ni Rendon Labador tsinugi na rin matapos pagkaisahan ng netizens: ‘Hindi ako makapaniwala, nagulat ako…’

Ervin Santiago |September 07,2023
facebook
share this

Facebook account ni Rendon Labador tsinugi na rin matapos pagkaisahan ng netizens: ‘Hindi ako makapaniwala, nagulat ako…’

Ervin Santiago - September 07, 2023 - 02:36 PM

Facebook account ni Rendon Labador tsinugi na rin matapos pagkaisahan ng netizens: 'Hindi ako makapaniwala, nagulat ako...'

Rendon Labador

TAGUMPAY ang mga netizens sa ginawa nilang mass report para ipatanggal ang Facebook account ng social media influencer na si Rendon Labador.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Deleted na ang official FB page ni Rendon na may halos 2 million followers at milyun-milyong likes.

Pagkatapos ngang ma-take down ang kanyang TikTok account ay ini-report naman ng mga taong galit na galit sa kanya ang ginagamit niyang FB page sa paninita at pangnenega sa mga controversial celebrities.

Ibinalita ni Rendon ang nangyari sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa lahat ng sumusuporta sa kanya.

“As of today at 12 noon, September 7, 2023, binura na ako sa Facebook ng Pilipinas. Official statement will be uploaded on my YouTube channel soon,” ang pahayag ni Rendon sa kanyang IG story.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘pressured’ maging influencer, mas bet na bina-bash: ‘Tanggap kong hindi ako naiintindihan ng lahat’

Patuloy pa niya, “Hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking Facebook page.

“Nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala at nagpapadala ng mga mensahe ngayon. Pasensya na at paralisado kaming lahat dahil dito sa pangyayari,” aniya pa.

Sigurado namang aabangan ng kanyang mga tagasuporta ang ilalabas niyang vlog sa YouTube para ilabas ang lahat ng saloobin niya hinggil sa nangyari.

Maraming netizens naman ang natuwa sa nangyari sa FB ni Rendon.

“Rendon Labador is out! Tagumpay! Heal the world! Make it a better place!  Youtube and instagram is next,” pagbubunyi ng isang netizen.

Related Chika:

Pokwang, Paolo sanib-pwersa sa pagbibigay ng ayuda; ‘Pantry Sisters’ tagumpay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ellen super OK na matapos ipatanggal ang ‘fake boobs’: What’s left of my tittles can now jiggle-jiggle, wiggle-wiggle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending