Ellen super OK na matapos ipatanggal ang ‘fake boobs’: What’s left of my tittles can now jiggle-jiggle, wiggle-wiggle
BALIK na sa todo-todong workout ang dating sexy star na si Ellen Adarna matapos ipatanggal ang kanyang breast implant dalawang buwan na ngayon ang nakararaan.
Medyo naghinay-hinay sa kanyang extreme workout routine ang misis ni Derek Ramsay dahil kailangan muna niyang pagalingin ang sugat sa kanyang dibdib dahil sa breast explant surgery.
Ibinalita ni Ellen ang tungkol dito sa pamamagitan ng kanyang Instagram page kung saan makikita ang kanyang jump rope workout. Dito nga niya nabanggit na fully-recovered na siya after her breast implant removal surgery.
“Took 2 months off, took my time to recover properly. 2 months post op breast explant. No more excuses (my first day of period),” ang caption ni Ellen sa ipinost niyang video clip sa IG.
Hirit pa niya, “What’s left of my tittles can now jiggle jiggle wiggle wiggle.”
View this post on Instagram
Ibinalita ni Ellen noon na kinailangan na niyang ipatanggal ang kanyang pekeng boobs dahil sa nararamdaman niyang back pain at fatigue.
Ipinakita pa nga niya sa madlang pipol ang sa pamamagitan ng Instagram Stories ang silicone shells na tinanggal sa kanyang dibdib dahil nga sa ilang “breast implant illness.”
“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog.”
“It was fun while it lasted,” ang chika pa ni Ellen patungkol sa kanyang fake boobs.
https://bandera.inquirer.net/303244/jessy-pinagalitan-ng-mga-netizens-dahil-sa-pagwo-workout-paano-ka-magkaka-baby-niyan
https://bandera.inquirer.net/319276/kim-chiu-kinakarir-ang-balik-alindog-program-muling-nag-join-sa-duathlon
https://bandera.inquirer.net/285342/julia-naka-survive-sa-matinding-workout-ni-gerald-nakatikim-ng-papuri-sa-netizens
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.