Shaina Magdayao umamin na kung bakit biglang nawala sa 'ASAP': Pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control | Bandera

Shaina Magdayao umamin na kung bakit biglang nawala sa ‘ASAP’: Pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Shaina Magdayao umamin na kung bakit biglang nawala sa ‘ASAP’: Pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 08:06 AM

Shaina Magdayao umamin na kung bakit biglang nawala sa 'ASAP': Pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control

Shaina Magdayao

KNOWS n’yo ba kung bakit biglang nawala noon sa Sunday musical show ng ABS-CBN na “ASAP” ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao?

Kamakailan lamang ay muling napanood nang live sa “ASAP Natin To” stage ang dalaga makalipas ang walong taon kung saan regular nga siyang nagpe-perform noon.

Para kay Shaina, ang muli niyang pagsasayaw sa nasabing programa ay isang “symbolic renewal” ng kanyang health, na siyang naging dahilan ng pag-alis niya sa show.

Nang makaranas daw siya ng mga  symptoms ng hypothyroidism ay nagdesisyon na siyang magpaalam  sa “ASAP” noong 2014.

“I had to give up on that dream — no, it wasn’t even a dream, I was living the dream, that was my reality.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


“Every Sunday, I would go on stage. It became a part of my life. It became a huge part of who I am as a person that I had to give up on,” ani Shaina sa panayam ng ABS-CBN.

Na-diagnose raw siya noong mga panahong yun ng hypothyroidism, o underactive thyroid. Pero binalewala lang daw niya ito hanggang sa maglabasan na nga ang mga signs and symptoms.

Ang mga common symptoms ng hypothyroidism ay “fatigue, weight gain, joint and muscle pain, and slowed heart rate.”

“I had to stop it because I got diagnosed with hypothyroidism. I was gaining weight uncontrollably. I did not handle it well. At a very young age, unusual ‘yun.

“I’ve been puyat since I was 6 years old. I was not taking care of my body. I was not working out. I was not living a fit lifestyle.

“May gimik pa ‘yun on the side! May taping ka pa! Tapos may movie pa! Youth, ‘di ba? Hanggang sa siningil ako ng katawan ko,” pag-amin ng aktres.

Aniya, nakaapekto da kanyang confidence bilang dancer at performer ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

“Also, meron ding mental damage na nagawa sa akin. Kasi parang feeling ko, okay, pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control.

“I was having breakouts also, na never kong naging problema. Those hormonal changes, sobra siyang naging evident sa buhay ko when I quit ‘ASAP.’ Sabi ko, sige, mag-aartista na lang ako,” aniya pa.

“I did not think na time will come na masasabi ko, ‘It can be tamed.’ It’s all about hormonal imbalance. I’m at my pinaka-fit body, my state now. It did not happen overnight. Grabe ‘yung sacrifices na I had to do. I had to work out every other day,” pagbabahagi pa ni Shaina.

Hanggang sa maging pescetarian na raw siya, na isang “vegetarian diet that incorporates seafood.” Ito ang dahilan kung bakit nabawasan ang kanyang timbang at naging confident uli sa pagsasayaw.

“This is my way of telling people, especially sa mga na-diagnose ng hypothyroidism, it’s not impossible to tame your hormones.

“You just have to be disciplined. Here I am right now, and I don’t even remember being this grateful for a healthy and fit body. Kasi nga, never ko inisip na makakasayaw ako ulit. I never thought I would get rid of that weight,” dagdag pa niyang chika.

“Iyong 25 years of my life in the industry, isang malaking aspeto nu’n ay dancing, my being a dancer. Hindi ko siya nakita or felt like a loss noong nag-quit ako sa ‘ASAP,’ because I had other things to do. Okay, nawala ‘yung pagsasayaw, but I had acting projects.

“Pero, ito, it gives me a renewed perspective even with my being a dancer. Para siyang renewal. In line siya with my life, with my career. Everything that is happening right now, it’s actually already a gift. It’s already a bonus. It’s not even part of the plan,” pahayag pa niya sa nasabing panayam.

Shaina gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na ‘the one’: Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy…

Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa ‘paraiso’, kailangang magtrabaho kahit birthday

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending