Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa 'paraiso', kailangang magtrabaho kahit birthday | Bandera

Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa ‘paraiso’, kailangang magtrabaho kahit birthday

Ervin Santiago - November 09, 2022 - 04:53 PM

Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa 'paraiso', kailangang magtrabaho kahit birthday

Shaina Magdayao

KAHIT birthday niya, super work pa rin ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao para sa kanyang kauna-unahang international project.

Tatlong buwan matapos ang pag-ere ng pinag-usapang finale epispde ng ABS-CBN series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” masayang ibinalita ni Shaina na balik-trabaho uli siya bago matapos ang 2022.

Excited na ibinalita ng aktres sa madlang pipol ang napakaganda at bonggang blessing na natanggap niya para sa kanyang 33rd birthday last November 6.

Kalakip ang kanyang litrato, ibinahagi ni Shaina sa Instagram ang plano sana niyang magbakasyon sa isang “paraiso” para doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

“Planned to go to #Paradise for my annual #birthday escape …but as always, life has a different plan.

“First time ever to work instead of taking a birthday leave. But I’m definitely not complaining ….because I still have been waking up in #Paradise for the past few days!” ang bahagi ng kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


Kasunod nito, ibinalita nga niya na nagtatrabaho siya ngayon sa halip na nagpapakasaya at nagpapakaligaya sa bakasyon.

“Day 6 as Maria Manalo here in #CEBU for some unexpected work that I consider HIS early birthday gift,” pahayag ni Shaina.

Aniya pa, “Can’t wait to tell you more about my surreal and awesome (def an understatement) first time experience to work for an international series.

“SOON. Sooo grateful for His birthday surprise. PS My heart is overwhelmed with all the looooove and greetings ….and the surprises! Just got back to the hotel from work,” sabi pa ni Shaina gamit ang hashtag #AlmostParadise.

Ang “Almost Paradise” ay isang international American-Filipino crime drama series na kinunan sa Pilipinas. Ang kinukunan ngayon sa Cebu ay ang second season nito.

Ito ay ipinrodyus nina Dean Devlin at Gary Rosen na pinagbibidahan ng lead actor na si Christian Kane.

Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco

Gerald, Shaina, Zanjoe, Ronnie, Sam binalikan ang mga bonggang ganap sa kanilang showbiz career\

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapatid ni Shaina sinagot kung totoong buntis ang kapatid; Vina ‘nagulat’ kay Piolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending