Shaina ayaw sosyalang date, nagsalita na tungkol sa lovelife

Shaina Magdayao ayaw sosyalang date, nagsalita na tungkol sa lovelife

Ervin Santiago - February 13, 2025 - 06:00 AM

Shaina Magdayao ayaw sosyalang date, nagsalita na tungkol sa lovelife

Shaina Magdayao at Piolo Pascual

“STEADY lang” ang naging sagot ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao nang muling tanungin tungkol sa estado ng kanyang lovelife ngayon.

Mas gusto raw ng dalaga na low profile lang ang kanyang personal life para walang masyadong tsismis at intriga mula sa mga “outside forces.”

“Steady lang naman ako. Steady, laging masaya. Ganu’n lang lagi. Maganda namang tahimik lang ang buhay. Babalitaan ko na lang po kayo,” pahayag ni Shaina sa report ng ABS-CBN.

Kung hindi kami nagkakamali, si Piolo Pascual pa rin ang nali-link kay Shaina hanggang ngayon pero wala pa ring kumpirmasyon until now mula sa dalawang Kapamilya stars.

Baka Bet Mo: Shaina gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na ‘the one’: Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy…

Mas feel din daw ng aktres ang pa-low profile na mga dates, “You know, I like the simplest dates. I won’t say the exact date. Nothing too grand, but very private and simple.

“Kasi alam niyo naman na ganun ako, ganun ang aking personality. Hindi kailangan ng masyadong magarbo, basta sincere,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


Samantala, bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 29th anniversary sa mundo ng showbiz ngayong 2025, abangan daw ang ilang pasabog na projects ni Shaina.

“Yes, meron pero kailangan niyo pa abangan kasi hindi ko pa na-re-release. And siyempre madaming exciting things na mangyayari for the rest of the year. I will be updating everyone naman on my social media,” sey ni Shaina Magdayao sa naturang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending