Shaina gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na 'the one': Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy... | Bandera

Shaina gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na ‘the one’: Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy…

Ervin Santiago |December 18,2022
facebook
share this

Shaina gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na ‘the one’: Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy…

Ervin Santiago - December 18, 2022 - 09:22 AM

Shaina Magdayao gusto na sanang magpakasal pero wala pa ring nahahanap na 'the one': Lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy...

Piolo Pascual at Shaina Magdayao

PAGTUNTONG niya ng edad 30 gusto na sana ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao ang mag-settle down at magkaroon ng sariling pamilya.

Pero ngayong 33 years old na siya, nagbago na raw ang lahat ng pinlano niya noon sa kanyang buhay kabilang na ang pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.

Ayon may Shaina, sa estado ng career at personal life niya ngayon, ayaw na niyang bigyan ng deadline ang pagpapakasal kasabay ng pagsasabing hindi siya nagmamadaling magkaroon ng sariling family.

Na-realize raw niya na marami pa siyang kailangang gawin para sa kanyang sarili habang single siya. Sey pa ng dalaga, inakala niyang magkakaroon na siya ng time para sa kanyang lovelife pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” pero hindi pa rin pala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao)


“Ang tagal ko nang gusto, before sana mag-30, e. Pero like what I said nga, lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy. I guess marami pa akong unfinished tasks.

“I actually thought na paglabas ko ng ‘Probinsyano’, I would have a time. Sabi ko, ‘medyo ready na ko.’ Kaso ito yung nangyayari,” ang pahayag ni Shaina sa isang panayam na ang tinutukoy ay ang mga bago niyang business ventures.

“Hindi naman siya naka-pause. It’s just that may mga kailangan lang akong gawin. We’ll get there,” sabi pa ng sisteraka ni Vina Morales.

“When I was younger, I said ayokong magkaroon ng distraction. I guess, if it’s the right person, that person won’t be a distraction but an inspiration for you being a better person sa lahat ng bagay, sa lahat ng aspect ng buhay,” paliwanag pa ni Shaina.

“So, wala. Malalaman niyo rin naman. I have nothing to hide, and lahat ng nangyayari sa buhay ko naman nalalaman niyo.

“So time will come, sasabihin ko rin sa inyo, makukuwento ko rin sa inyo. But right now, wala pang certain person, like na iisang tao, wala, wala pa,” aniya pa.

Marami ang umasa na magkakatuluyan na sila ni Piolo Pascual matapos mag-viral ang sweet photos nila sa Bohol noong October, 2021.

Shaina Magdayao ibinandera ang pagiging ‘Kakampink’, bakit nadamay si Toni Gonzaga?

Gerald, Shaina, Zanjoe, Ronnie, Sam binalikan ang mga bonggang ganap sa kanilang showbiz career

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Shaina Magdayao napurnada ang pagbabakasyon sa ‘paraiso’, kailangang magtrabaho kahit birthday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending