Miles Ocampo sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes: Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n’
“DUMATING ako sa point na, ‘may mangyayari pa ba sa akin (career)?’” Ito ang naging tanong ni Miles Ocampo noong mga panahong wala siyang ginagawa bilang artista.
Isa lang ito sa nabanggit ng “trending actress” ngayon sa panayam ni Bernadette Sembrano na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Ilang araw na kasing pinag-usapan ang napakahusay niyang pagganap bilang si Marites sa “FPJ’s Batang Quiapo”, hindi lang sa social media kundi maging sa mga bahay-bahay na nakapanood ng pilot episode ng nasabing serye ni Coco Martin.
Inamin ni Miles na naiiyak siya kapag nakakabasa siya ng mga papuri sa kanya bukod pa sa mga nagte-text para batiin siya.
“Actually, bata pa ako ate (Bernadette) ngayon lang talaga ako nabibigyan ng chance ng mga ganu’n klaseng role kasi siyempre nu’ng bata cute-cute lang ganu’n. Ito ‘yung pinaka-mature o intense na nagawa ko,” saad ni Miles.
Sa “Goin’ Bulilit”nagsimula ang dalaga sa edad na pito at sa tuwing ipakikilala siya ay laging dating “child star” ang binabanggit.
“Iyon po talaga ang nagiging problem kapag child star kasi dumadaan sa awkward stage at hindi lahat nakakatawid,” sabi ng aktres.
Unang TV series niya ay ang “Mangarap Ka” noong 2004 na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na ang location ay sa Quiapo rin at si Malu Sevilla ang direktor.
Sumakto pa na ang role pala ni Miles sa “Mangarap Ka” ay batang Quiapo rin at mismong si Direk Cathy Garcia-Molina na ka-tandem noon ni direk Malu ang nag-audition sa kanya para sa nasabing role.
View this post on Instagram
Tomboyish ang role ni Miles dahil bilang isa sa batang taga-Quiapo noon na pinagupitan ni direk ng boy cut kaya’t napaiyak ang mommy niya dahil inaalagaan ang mahaba niyang buhok hoping na makuha sa shampoo commercial ang anak.
At dahil naka-boy’s cut si Miles ay mahigpit na bilin sa kanya ni direk Cathy na huwag pupunta sa set ng hindi naka-costume na panglalaki kaya ang alam daw ng buong production ay boy (edad 7) ang aktres.
“So, walang may alam ate na babae ako except for the directors and the EP of the show, ‘yung audioman kapag kinakabitan ako ng lapel tinanong niya, ‘bakit ‘yung brief mo parang panty?’
“Tapos even ‘yung mga babae sa batang Quiapo, sabi nila’ crush ko po ‘yung anak (si Miles) n’yo.’ Kaya nu’ng na-reveal na babae ako, lahat ng cameraman, crew hindi makapaniwala na babae pala ako, ate.
“Tapos ikinuwento ko kay direk Malu na dito rin ako nagsimula as batang Quiapo at first acting sa series, natuwa naman po. Sobrang na-miss ko umarte ate,” balik-tanaw ni Miles.
Dagdag pa, “Everytime na may work po akong acting (heavy drama) nae-excite talaga ako. Gutom talaga ako.”
Inamin din niya na pangarap talaga niya na maging artista dahil katwiran niya kapag napanood ka sa TV ay “made” na kaya talagang pinilit-pilit niya ang magulang na mag-artista siya at suportado naman siya ng mga ito.
“Pangarap ko talagang sumikat, pinagkakaguluhan, kaso (walang gaanong work) kaya naisip ko na may mangyayari pa ba sa akin?” say pa ng aktres.
Mas lalo pa siyang napaisip na ang mga kasabayan niya sa “Goin’ Bulilit” ay sina Julia Montes at Kathryn Bernardo na parehong sumikat na nang husto.
“Sina ate Julia at ate Kath sa first batch namin na sikat na sikat after ‘Mara Clara’ tapos nandoon ako sa awkward stage na, ‘gusto ko rin ng ganu’n’. Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n.’
“Pero sa industry natin mari-realize mo na hindi nasa ‘yo ang spotlight all the time. Lagi kong iniisip ate na baka hindi ko pa talaga time.
View this post on Instagram
“Kaya once na may ibinigay na project sa ‘yo, that’s the time na galingan mo para time mo to shine, ibigay moa ng best mo kasi hindi moa lam kung sino ang makakapanood no’n.
“So, bilang artista kung titingnan ko ang bigger picture hindi na ‘yung pasikatan sa longevity na lang talaga ako, kalma ka lang, steady ka lang tapos pag may work ibibigay mo ang best mo kasi doon ko na-realize na anytime puwede kang palitan,” pagtatapat ni Miles.
Lahat ng ibinibigay sa kanyang karakter ay kino-consider niyang dream project at nae-excite siya all the time.
Kinilig nang todo si Miles sa tanong ni Bernadette kung sino ang idolo nito sa showbiz.
“Si Miss Judy Ann Santos po, grabe ate B, nakita ko si Ms. Judy Ann sa isang event grabe kinilig ako (sabay hagikgik), sabi niya, ‘you’re doing a great job.’ Ate B, ‘yung tenga ko pumalakpak talaga. Pangarap ko pong makatrabaho si Ms. Judy Ann.
“Super fan po ako ni Ms. Judy Ann kaya gets na gets ko ‘yung mga fans na kapag nakakakita ng artista kinikilig, talagang gets ko sila ate B. Lalo na kapag nakikita mo ‘yung hinahangaan mo nabata palang napapanood mo na, tapos makakarinig ka ng ganu’n comments, nakakaengganyo at nakaka-excite na umarte ulit,” kuwento ng aktres.
Sa nasabing panayam ay nagpakitang-gilas si Miles na gumawa ng cappuccino para kay Bernadette at sinabing, “Pangarap ko talaga ‘to, ate B.”
Noong pandemic daw ay wala siyang ginagawa kaya nag-aral siya ng paggawa ng ibat’ ibang klase ng kape hot at cold at namili pa siya ng mga gamit.
Ang tanong ni Badette, “Barista o artista?’
“Artista muna po para may pang-coffee shop,” nakangiting say ng dalaga.
Hindi man na-perfect ni Miles ang ginawang cappuccino na may design pero natuwa ang content creator dahil sa effort nito.
Going back to “Batang Quiapo” role ay talagang kinabahan siya sa karakter niya bilang si Marites o ang young Cherry Pie Picache na pang-pilot episode pa.
“Nu’ng i-offer po sa akin na young Ms. Pie nag-yes kaagad ako pero wala pa akong alam sa flow ng story tapos nalaman ko kung paano ‘yung latag, nandoon ‘yung pressure. Kailangan kong mapaniwala ‘yung tao na isa akong ina na umire talaga.
“Natutuwa po ako na before pa umere ‘yung Batang Quiapo may mga nakapanood na may mga naririnig sila (executives/production) na, ‘grabe nanganak siya talaga? Bakit niya alam.’ Mga ganu’ng comments mo masarap pakinggan,” masayang-masayang kuwento ni Miles.
At dahil first heavy drama ni Miles ang “FPJ’s Batang Quiapo” ay natanong ni Bernadette kung saan nito hinugot ang akting niya.
“Ate B, inire ko lang talaga, ang instructions sa akin, ‘masakit sa sobrang sakit. Kung ano ang maiisip mong masakit, ‘yun siya. Saka nandoon ka na (set) nakahandusay ka na sa palengke, dugo nap o lahat (katawan) aarte pa ba ako? Kaya game na,” paliwanag ng dalaga.
At isang take lang lahat ito kaya napahanga rin ni Miles ang production.
“Maraming shots (ginawa) ate, kaya sa mga nagko-comment hindi lang po sa akin ang credit kasi grabe ang alaga nina kuya Coco at direk Malu, ‘yung tulong and motivation nila ang nagdala sa akin sa stage na ‘yun at sa moment na ‘yun.
“Tapos batang Ms. Cherry Pie pa ang ginampanan ko bata palang ako pinapanood ko na kahit kayo ate B bata palang ako pinapanood ko na kayo.
“Nandoon po ‘yung pressure at kailangan mong i-prove sa mga taong naniwala sa ‘yo na kaya mo at sabihing ‘hindi kami nagkamali na siya ang pinili namin.
“Super big break talaga sa akin hindi ko naisip na magiging ganito pala ate B, hindi ko naisip na makakabalik ulit ako sa ABS (nasa Eat Bulaga rin kasi siya na napapanood sa GMA 7).
“Kasi nga napahinga na ako sa drama department kaya nu’ng ialok naisip ko kung kaya ko pa bang gawin? At until now nakakabasa ako ng comments, naiiyak ako (naging emosonal na). Ang sarap pala sa feeling na may nakaka-appreciate.
“Iba kasi ngayon ‘yung validation na natatanggap ko for the past few days, hindi ako sanay na nakakatanggap ako mula sa mga boss, sa mg aka-trabaho,” kuwento pa ng dalaga.
Naniniwala ring nangyari ang lahat dahil naghintay si Miles, sabi nga “patience is a virtue” at hindi bilang sikat na aritsta.
“Si kuya Coco po, siya po ang nag-cast talaga,” sagot ni Miles sa tanong kung sino ang nakakitang magaling siyang umarte.
“Grateful po ako sa Dreamscape (Etnertainment), kina sir Deo (Endrinal) kasi since bata po ako sila ‘yung nagbibigay ng projects sa akin na drama.
“Siyempre sugal po itong ginawa nila sa akin dahil pilot po ito, ate B. Dreamscape, ABS-CBN Primetime King kuya Coco,” diin pa niya.
At dahil sa ipinamalas na husay ni Miles “FPJ’s Batang Quiapo” ay kaliwa’t kanan ang inquiries sa kanya para sa mga product endorsements.
Kaya nagpapasalamat din siya sa bago niyang manager, ang Crown Artist Management na pinamamahalaan nina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya
Bakit gustung-gusto ni Aubrey Miles na maging beauty queen ang anak?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.