Bakit gustung-gusto ni Aubrey Miles na maging beauty queen ang anak? | Bandera

Bakit gustung-gusto ni Aubrey Miles na maging beauty queen ang anak?

Ervin Santiago |May 06,2021
facebook
share this

Bakit gustung-gusto ni Aubrey Miles na maging beauty queen ang anak?

Ervin Santiago - May 06, 2021 - 01:28 PM

KUNG may isang pangarap ang dating sexy actress na si Aubrey Miles para sa nag-iisang anak na babaeng si Rocket yan ay ang maging beauty queen ito paglaki.

Yan kasi ang isa sa mga nasa bucket list noon ni Aubrey na hindi nabigyan ng katuparan kaya naman nais niya sanang ang kanyang baby girl ang magpatuloy ng kanyang childhood dream.

Knows n’yo ba na bago mag-artista ang aktres ay talagang hilig na niyang mag-join sa mga beauty pageant, pati na rin ang isa pa niyang kapatid.

“Bago ako mag-showbiz talagang sa beauty pageants ako sumasali. Lagarista ako ng beauty pageants talaga. ‘Di ba merong city-city, tapos every time lumilipat kami ng bahay, sasali kami doon ng kapatid ko,” kuwento ni Aubrey sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

“She’s 5’10” (sister niya), ako 5’6”. Ang laging sinasabi namin, press release namin, mag-best friends kami. Tapos iba ‘yung last name niya, iba ‘yung last name ko,” natatawang chika pa ng partner niyang si Troy Montero.

Kaya naman umaasa si Aubrey na ipagpapatuloy ng kanyang nag-iisang anak na babae ang kanyang pangarap na maging beauty queen.

“Ito talaga sa totoo lang, one year old pa lang siya, naghahagdan na siya. Sabi ko, ‘Ay, may potential. Lakadera ‘to!’ Pero very sporty siya, eh. Siguro dahil may mga boys kami so hindi siya maarte,” pahayag pa ng celebrity hot mommy.

Patuloy pa niyang chika, “Sabi ko sana medyo maarte para pang-beauty queen na medyo mas finesse. Gusto ko mga 6, 7 (years old), nag-i-school na siya, pwede ko na siyang i-train ng mga more finesse walks.”

Kuwento pa ni Aubrey, talagang ingat na ingat siya na huwag masugatan ang balat ni Rocket at super alaga rin niya ang buhok nito.

“Basta sa akin ingat sa skin, ‘yung mga sugat, sugat. Alam mo na, kailangan maganda ‘yung skin. Tapos ‘yung hair niya kulot kasi so sinusuklay ko lagi ‘yan.

“We just always like to imagine na sasali siya ng beauty pageant. Pero kung hindi talaga, wala. Pero for me, gusto ko talaga para lang ma-feel ko rin na, ‘Ay, may nag-continue,’” lahad pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa pang anak sina Aubrey at Troy, ang lumalaki na ring si Hunter. Si Maurie naman ay anak ni Aubrey sa dati niyang karelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending