Cristy Fermin sinagot si Paolo ukol sa ‘Fake Bulaga’: Sa isip ng ating mga kababayan, mayroong orihinal na Eat Bulaga
NAG-REACT ang kolumnistang si Cristy Fermin sa naging pahayag ng actor-comedian na si Paolo Contis kung saan inamin niyang nasasaktan siya sa tuwing tinatawag na “Fake Bulaga” ang kanilang programa.
Sa kanyang nagdaang episode ng “Cristy Ferminute” ay natalakay nila ng kanyang co-host na si Romel Chika ang walang tigil na pambabatikos sa aktor.
Si Paolo raw kasi ang paboritong “bembangin” o puntiryahin ng mga netizens ukol sa noontime show nilang “Eat Bulaga”.
“Palagi kasi siyang may SONA (State of the Nation Address) everyday. Ang mga pangulo minsan sa isang taon lang eh, pero siya, meron siyang SONA araw-araw,” lahad ni Cristy.
“Meron siya laging sinasabi. Meron siyang sagot. Meron siyang kuda-kuda everyday kaya ‘yun ang dahilan kung bakit siya nakakatanggap ng hindi kahandahang salita mula sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.
Bakae Bet Mo: Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’
Ayon pa kay Cristy ay sa kabila ng sinasabi ni Paolo na mataas ang respeto nito sa dating mga hosts ng “Eat Bulaga” ngunit panay naman daw ang paglilitanya niya sa publiko.
“Para laman tayo ng balita, parang ganu’n. Ika nga e nakaka-relate ang mga tao sa sasabihin natin. Relevant tayo,” sey pa niya.
Naaawa nga daw si Cristy kay Paolo dahil tila ginagawang bala sa kanyon ang aktor at baka rin daw ito ang utos ng mga production.
Para daw matigil ang pagtawag na peke sa kanilang pangalan ay huwag na nilang gamitin ang “Eat Bulaga” bilang titulo ng show.
“Kailangan magpalit kayo ng pangalan, magpalit kayo ng titulo. Mag-isip kayo ng ipapalit n’yo kasi sa kakaganyan niya ang bira niya usa, balik sa kanya puto,” lahad ni Cristy.
Aniya, nagtatanong pa raw ito kung bakit sila tinatawag na “fake”.
“Nagsisintir ang kanyang puso. Bakit daw sila tinatawag na ‘Fake Bulaga?’ Simple lang, Paolo. anuman na hindi original, ang tinatawag natin, fake. ‘Di ba? Paltok. Ginaya ” giit ni Cristy.
“Ikaw mismo sa pagbili mo ng mga kagamitan mo, gusto mo siyempre, original. Branded na original. Hindi ka papayag na ‘yong paltok ang bibilhin mo. Ganun lang kasimple ‘yon. Kaya kayo tinatawag na Fake Bulaga. Kasi nga, sa isip ng ating mga kababayan, mayroong lehitimo at orihinal na Eat Bulaga.” sey pa niya.
Bukas naman ang Bandera sa pahayag ni Paolo at ng nga mga apektadong partido sa ukol sa isyu.
Related Chika:
‘Showtime’ tinawag na basura ng co-host ni Cristy Fermin, netizens naimbyerna: ‘Have some decency’
Engagement ni LJ Reyes sa non-showbiz BF sampal kay Paolo Contis
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.