Cristy Fermin may pakiusap sa netizens, bagong hosts ng 'Eat Bulaga': Trabaho po 'yan | Bandera

Cristy Fermin may pakiusap sa netizens, bagong hosts ng ‘Eat Bulaga’: Trabaho po ‘yan

Therese Arceo |June 06,2023
facebook
share this

Cristy Fermin may pakiusap sa netizens, bagong hosts ng ‘Eat Bulaga’: Trabaho po ‘yan

Therese Arceo - June 06, 2023 - 10:03 PM

Cristy Fermin may pakiusap sa netizens, bagong hosts ng 'Eat Bulaga': Trabaho po 'yan

NAKIUSAP ang kolumnistang si Cristy Fermin sa madlang pipol kung maaari raw sanang huwag batikusin ang mga bagong hosts ng “Eat Bulaga“.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Wendel Alvarez ay natalakay nilang muli ang kasalukuyang nagaganap sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.

Napag-usapan kasi nila Cristy ang mga bagong hosts ng naturang programa na sina Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Buboy Villar, Paolo Contis, Kokoy de Santos, Betong Sumaya, at marami pang iba na siyang pumalit kina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Allan K, Ryan Agoncillo, at Ryzza Mae Dizon.

Aniya, huwag raw sanang isali ang mga ito sa isyu dahil inalok lang naman sila ng trabahong hindi nila matanggihan.

“Kung sakali po na may mga artista na papayag na mag-host ng Eat Bulaga ngayong wala na ang Tito, Vic and Joey at Dabarkads, huwag po natin silang i-bash, trabaho po ito,” saad ni Cristy.

Pagpapatuloy niya, “Hindi po ilang tao lang ang may karapatang mabuhay at mamuhay nang maayos.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naimbyerna sa ‘pakulo’ nina Moira at Jason: Ginagawa ninyong mga tanga ang sarili ninyo

Sey pa niya, hayaan na lamang sana ng mga netizens ang mga ito at huwag atakihin.

“Hayaan po natin. Alok po ‘yan. Trabaho po ‘yan, walang personalan po rito trabaho lang talaga,” sey pa ni Cristy.

Matatandaang noong May 31 nang biglain ng TVJ ang mga dabarkads matapos nilang ianunsyo ang kanilang pagbibitiw sa TAPE Inc. at kinabukasan nga ay sinundan na rin ito ng iba pang mga hosts ng naturang programa.

Naitsika na rin ni Cristy na maaaring mula sa Sparkle artists ang mga ipapalit na hosts ng programa at kahapon nga ay nakumpirma kung sino angm ga to.

“Ang mga isasalang daw po ay mga artista ng Sparkle ng GMA-7. Iyon daw yung mga kabataang artista ng Sparkle. Ano ang sabi ng ating mga kababayan, ‘yon ba ang sinasabi nilang higit pa sa isang libo’t isang tuwa na ibibigay nila, eh ni hindi nga namin alam kung sino ang isasalang nila,” sey ni Cristy sa June 3 episode ng “Showbiz Now Na”.

Hirit pa nito, “Puwede kayang maglagay sila ng name plate?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis dumepensa sa mga bashers ni Paolo Contis matapos mapiling host ng ‘Eat Bulaga’: ‘Trabaho lang, walang personalan’

Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending