X account ng poser ni Cristy Fermin na naglabas ng fake news tungkol kay Vice tsugi na; 'It’s Your Lucky Day' ibabalik ng ABS-CBN? | Bandera

X account ng poser ni Cristy Fermin na naglabas ng fake news tungkol kay Vice tsugi na; ‘It’s Your Lucky Day’ ibabalik ng ABS-CBN?

Reggee Bonoan |October 31,2023
facebook
share this

X account ng poser ni Cristy Fermin na naglabas ng fake news tungkol kay Vice tsugi na; ‘It’s Your Lucky Day’ ibabalik ng ABS-CBN?

Reggee Bonoan - October 31, 2023 - 03:28 PM

X account ng poser ni Cristy Fermin na naglabas ng fake news tungkol kay Vice tsugi na; 'It’s Your Lucky Day' ibabalik ng ABS-CBN?

KUMPIRMADONG wala na ang X account na @altcristifermin na pinagmulan ng fake news tungkol sa pagpapatawag daw kay Vice Ganda ng MTRCB dahil sa pagkain nito ng manok sa isang fast food chain.

May hawig daw kasi ito sa pagkain din ni Vice ng icing sa cake sa “It’s Showtime” na naging dahilan kaya na-suspend ang naturang programa sa loob ng 12 araw.

Peke na nga ang balita nitong X user na @altcristifermin ay idinawit pa ang pangalan ng beteranang manunulat at host ng programang “Cristy Ferminute” at “Showbiz Now Na” vlog.

Nagpadala ng mensahe sa amin ang kolumnista kaninang 7:36 a.m. at pasado ala-una na namin nabasa na nagpapasalamat siya sa nasulat namin dito sa BANDERA ang kanyang panig na kinondena niya ang poser na hindi lumalaban ng parehas.

Ani Nanay Cristy, “Anak, maraming salamat sa sinulat mo. Pagkatapos ng CFM (Cristy Ferminute) kahapon, inaksyunan na ng Twitter (X) ang salbaheng fake news creator. Kanselado na ang account ng impostor. Kayo ang dahilan nito. Ang MTRCB, nag-report din. Kayo talaga ang mga abogado ko, mula sa pusong salamat.”

At kanina sa programang “CFM” nila ni Romel Chika ay lubos ding nagpasalamat ang showbiz columnist sa lahat ng tagasubaybay nila sa TRUE FM at OnePH YouTube channel sa suporta at malasakit.

Samantala, buong puso ring pinasalamatan ni ‘Nay Cristy si MTRCB Chaiperson Lala Sotto sa agarang paglilinaw sa isyu at sa pamilya Sotto na lagi ring nakikinig sa “CFM.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin umalma sa fake news na ipinakalat ng poser tungkol sa MTRCB, sumusumpa na walang personal na galit kay Vice Ganda

* * *

Trulili kaya na ibabalik sa ere ang “It’s Your Lucky Day”, ang programang pansamantalang humalili sa nasuspindeng “It’s Showtime.”

May mga pinag-uusapan daw ngayon ang ABS-CBN management tungkol dito dahil maganda ang feedback at magandang venue rin ito para sa Gen Z artists na maipakita rin nila ang iba nilang talento bukod sa pag-arte.

Inaaral na maigi kung anong timeslot ito ilalagay kung bago mag-“It’s Showtime” o bago mag-“TV Patrol.”

May panawagan din ang mommy ni Luis Manzano na si dating Batangas Gov. Vilma Santos-Recto na sana’y ibalik ang “It’s Your Lucky Day” dahil maraming natutulungan daw ang programa.

Abangan ang update ng balitang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bibig, ilong, cheekbone ni Jinkee Pacquiao pinagtripan ng bashers, Cristy Fermin to the rescue

Michael V ibinuking na naipatawag na rin ng MTRCB: ‘Meron na kaming lawyer ngayon kapag nagte-taping’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending