MTRCB nagbabala sa publiko matapos mag-viral ang paglafang ni Vice Ganda: ‘Mag-ingat sa mga fake news!’
PINABULAANAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang television commercial ng isang fast-food chain.
Ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan, ayon sa official statement ng MTRCB.
“Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi.
Baka Bet Mo: Vice pinuri ang community pantry volunteers; Pinoy celebs kumampi sa inireklamong food chain
“Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at Kritikal na pag-iisip.
“Patuloy na sumusuporta ang MTRCB sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation.
“Naniniwala kami na dapat nang wakasan ang fake news at hayaan na ang katotohanan ang maghari,” ang kabuuang announcement ng MTRCB sa pamumuno ni Chairperson Lala Sotto.
Walang binanggit na pangalan ang naturang ahensiya ngunit maliwanag na ang tinutukoy dito ay ang bagong endorsement ni Vice Ganda para sa isang fast food chain kung saan lumalafang siya ng fried chicken.
Related Chika:
Daniel, Karla nakabili na ng sariling fast food chain; Willie mapapanood na uli sa TFC?
Alden may hugot sa ‘chain reaction’ machine; Ken paboritong pahirapan ng GMA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.