Daniel, Karla nakabili na ng sariling fast food chain; Willie mapapanood na uli sa TFC? | Bandera

Daniel, Karla nakabili na ng sariling fast food chain; Willie mapapanood na uli sa TFC?

Reggee Bonoan - March 21, 2022 - 05:58 PM

Willie Revillame, Daniel Padilla at Karla Estrada

Willie Revillame, Daniel Padilla at Karla Estrada

MAY sarili na ngayong franchise ng isang kilalang fast food chain si Karla Estrada kasama ang anak na si Daniel Padilla na matatagpuan sa isang mall sa Tacloban City.

Base ito sa ipinost ng TV host sa kanyang Instagram account na may teaser na, “Frying soon.”

Ang caption ni Karla sa mga larawan at video ng nasabing fastfood chain ay, “When you hold on to your Faith… that’s when Dreams come True. Thank you @kfcphilippines for the trust and allowing Me, my son @supremo_dp and my entire family to have our own branch!!!

“I can’t wait to serve my kababayans the best chicken and the best ever gravy on APRIL 5, 2022!!! 12NN!!! WOHOOOO!!! See you soon mga kasangkayan!!!” aniya pa.

May isa pa siyang ipinost na old video na magkasama sina Daniel at kasintahan nitong si Kathryn Bernardo na noon pa ay endorser na ng nasabing fastfood chain kaya hindi kataka-taka na ito ang napili ng aktor at ng kanyang ina.

Samantala, inaabangan na rin ng mga KathNiel fans ang bagong teleserye nina DJ at Kath, ang Kapamilya romcom series na “Good 2 Be True.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


* * *

Matapos umalis sa GMA Network noong Pebrero, nagbalik via online ang programang “Wowowin” ni Willie Revillame na nagsimula last March 15.

Sa ngayon ay mapapanood sila tuwing hapon sa official YouTube channel ng programa at sa kanilang official page sa Facebook na may milyong-milyong likes and followers.

Excited ding inihayag ni Willie na inihahanda na nila ang pagsisimula ng Will Network kung saan mapapanood ang mga bagong programang inihahanda nila para sa mga Filipino.

“Abangan ninyo po ang pagbubukas ng Will Network. Lahat ng mga programa, magugustuhan niyo through live streaming.

“Meron tayong tinatawag na OTT at IPTV. Yung IPTV po, lilipat tayo doon at doon kayo maglalaro. Lahat kayo araw-araw, bibigyan ko ng pang-load.

“Hanggang 50 na tao, bibigyan namin ng tig-one thousand na cellphone load araw-araw,” ani Willie.

Samantala, umaasa rin si Willie na maipalalabas ang programa niya sa TFC (The Filipino Channel), ang isa sa international flagship channel ng ABS-CBN.

“Ito ang maganda sa Facebook, saka sa YouTube, napapanood ka, e. Sana mapanood na tayo sa TFC.

“Sana maging partner natin ang TFC kasi para makita ako ulit diyan sa Amerika, yung ating mga kababayan diyan. Sa mga lola, sa mga nanay,” sabi pa ng TV host.

Minsan nang naging tahanan ng programa ni Willie ang TFC kung saan ipinalabas dito ang “Wowowee” mula 2005 hanggang 2010, kung saan siya pinakanakilala.

https://bandera.inquirer.net/286349/alden-may-hugot-sa-chain-reaction-machine-ken-paboritong-pahirapan-ng-gma

https://bandera.inquirer.net/285760/vice-pinuri-ang-community-pantry-volunteers-pinoy-celebs-kumampi-sa-controversial-food-chain

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299040/maymay-kabogera-bumangon-ako-iniligtas-ng-panginoon-at-tanggap-ko-ang-best-version-ko-ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending