Sexy photos ni Kathryn Bernardo sa waterfalls agaw-eksena, Julia Montes nataranta: 'Ayyyyyy! Teka po!' | Bandera

Sexy photos ni Kathryn Bernardo sa waterfalls agaw-eksena, Julia Montes nataranta: ‘Ayyyyyy! Teka po!’

Ervin Santiago |November 05,2023
facebook
share this

Sexy photos ni Kathryn Bernardo sa waterfalls agaw-eksena, Julia Montes nataranta: ‘Ayyyyyy! Teka po!’

Ervin Santiago - November 05, 2023 - 12:46 PM

Sexy photo ni Kathryn Bernardo sa waterfalls viral na, Julia Montes nataranta: 'Ayyyyyy! Teka po!'

Kathryn Bernardo

PINAINIT at pinasabog ng Box-office Queen na si Kathryn Bernardo ang social media matapos ibandera ang kanyang kaseksihan sa madlang pipol.

Talagang napa-wow ang mga netizens kasabay ng pagbaha ng fire emojis sa comments section ng Instagram post ni Kathryn kung saan nai-flex lang naman niya ang kanyang nakakalokang bikini photo.

Makikita si Kath na nakatayo sa mga naglalakihang bato sa isang falls suot ang kanyang skimpy blue green bikini with white top at itim na sumbrero na may caption na, “One with nature.”

Agaw-eksena sa litrato ang nagmumurang abs ni Kathryn na matagal din niyang pinaghirapan sa pamamagitan ng bonggang pagwo-workout.

Hindi lang mga fans at IG followers ng girlfriend ni Daniel Padilla ang napanganga sa kanyang sexy photo kundi pati na rin ang mga kapwa niya celebrities.

Komento ni Melai Cantiveros, “Grabeeee!”
Sey naman ng BFF niyang si Julia Montes, “Ayyyyy tekaaaaa po (smiley at fire emoji).”

Baka Bet Mo: Kathryn pak na pak ang pasabog na pictorial: ‘Ay ang bangis! Nanglalamon ang kagandahan at kaseksihan!’

Hirit naman ni Darla Sauler, “Bebeeeee!!!!”
“BABE!!!!! (fire emojis),” ang sey naman ng co-star niya sa “A Very Good Girl” na si Chie Filomeno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Best form… how?” ang comment ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano.

Narito pa ilang reaksyon ng mga  netizens sa pag-flex ni Kath sa kanyang sexy bod.

Baka Bet Mo: Lovi ibinandera ang ‘magic abs’ ni Benjamin: Natumpak n’yo ang tinutukoy ko!

“Uy parang nagsisi ako kumain ng breakfast. HAHAHAHAHA.”

“Even the waterfalls couldn’t put out that fireee!”

“Sana mag-sale ng abs sa 11/11.”

“Sarap i-bash nung abs…”

“Oh… That bod!”

“Sarap i-bash nung abs!”

“BOOOOM!!! UWIAN NA!”

Samantala, may mga nagsabi naman na mukhang tuloy-tuloy na ang pagpapaka-daring ni Kath when it comes to her new projects, after nga ng successful movie nila ni Dolly De Leon na “A Very Good Girl”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ng isang netizen, hindi raw imposible na maging tulay din si Dolly para mapansin din sa Hollywood si Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending