Gaile Francesca super idol si Kathryn Bernardo, payo sa 'love child' umano ni Francis M: Always be kind | Bandera

Gaile Francesca super idol si Kathryn Bernardo, payo sa ‘love child’ umano ni Francis M: Always be kind

Therese Arceo |October 26,2023
facebook
share this

Gaile Francesca super idol si Kathryn Bernardo, payo sa ‘love child’ umano ni Francis M: Always be kind

Therese Arceo - October 26, 2023 - 05:00 PM

Gaile Francesca super idol si Kathryn Bernardo, payo sa 'love child' ni Francis M: Always be kind
INAMIN ni Francesca Gaile Magalona, anak umano nina Abegail Rait at yumaong Francis Magalona na super hinahangaan niya ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Matatandaang sa nagdaang panayam niya sa dalaga na ipinalabas sa kanyang “Julius Unplugged” vlog ay inamin nito na super iniidolo niya ang award-winning actress pagdating sa looks lalo na sa pag-arte.

Kaya maman nang makita nina Julius at ng asawa nitong si Christine Bersola ang aktres ay agad nilang kinuha ang pagkakataon na hingian ito ng mensahe para kay Francesca.

Nang ibahagi ng mag-asawa ang pag-idolize sa kanya ng dalaga ay tila hindi makapaniwala si Kathryn.

Baka Bet Mo: Pakiusap ni Gaile Francesca sa mga anak ni Francis Magalona: ‘I hope you accept me, I don’t have bad intentions’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman humingi na rin sila ng mensahe para kay Francesca na nagnanais pasukin ang mundo ng showbiz maging ang mundo ng paggawa ng musika gaya ng namayapang master rapper.

Sinabi rin nina Julius at Tintin na bet ng dalagang ma-meet ang kanyang iniidolo nang personal.

“Ah really? Wow! Maybe someday! Hope to see you soon,” sey ni Kathryn kay Francesca.

Hangad rin ni Kathryn na maging maayos ang journey ng dalaga sa pagpasok nito sa entertainment industry.

“Good luck, you know, as you enter this showbiz world, Francesca! I wish you all the best. Always be kind. Enjoy the journey lang I wish you all the best!” pagpapatuloy pa ni Kathryn.

Ang naturang video greeting ay ibinahagi ng dalaga sa kanyang Facebook reel na may caption na “Thank you po Ate Kathryn.”

“Goodluck sa showbiz, Francesca,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Wow Naman binati kana ni ma.am Kathryn hihintayin ka nila sana matopad mona yung pangarap mona matagal monang pinapangarap.”

“Grabe kna talaga ingat sa pag kikita nyo Francesca Gaile Magalona,” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending