Nagpakilalang anak ni Francis M walang paki sa bashers, tuloy ang pagpasok sa showbiz: ‘I am my father’s daughter!’
WA epek sa nagpakilalang anak ni Francis Magalona na si Gaile Francesca Rait ang mga pambabatikos at pambabastos sa kanya ng mga netizens.
Dedma lang daw ang 15-anyos na dalagita sa lahat ng mga namba-bash sa kanya ngayon matapos ibandera sa publiko ang kaugnayan niya sa yumaong Master Rapper.
Nitong nakaraang linggo, lumantad nga sila ng kanyang inang si Abegail Rait na isang dating flight attendant at nagpakilalang naging karelasyon noon ni Francis M.
Nangyari ito sa vlog ng content creator na si Boss Toyo noong October 17 kung saan nagbenta ang mag-ina ng isang jersey na pag-aari umano ni Francis M. Samu’t saring reaksyon ang natanggap nina Abegail at Gaile matapos ang kanilang rebelasyon.
Kuwento ni Abegail, six months lang daw ang kanyang anak noong mawala ang actor-singer at songwriter kaya hindi na nito nakilala ang ama.
Sabi naman ni Gaile, wala na siyang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao laban sa kanilang mag-ina, ang importante raw ay alam niya kung ano ang totoo.
“I don’t mind the comments po kasi I know the story, and so, no comment na lang po ako doon.
Baka Bet Mo: Jennica dedma sa pagmamakaawa ni Alwyn; umaming kumonsulta sa psychologist
“Basta I know the story. That why I’m not affected at all, also my family,” ani Gaile sa naturang interview.
“All I know is that I am my father’s daughter,” ang mariin pa niyang sabi.
Inamin din ng anak ni Abegail na pangarap niyang pasukin ang mundo ng showbiz. Three years old pa lang daw siya ay talagang mahilig na siyang kumanta at sumayaw.
Nais din daw kasi niyang maipagpapatuloy ang naging legacy ng tatay niyang si Francis M sa Music industry.
Namatay si Francis noong March 6, 2009 sa edad na 44 dahil sa acute myeloid leukemia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.