Francis M may huling habilin kay Joey De Leon

Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Reggee Bonoan |October 21,2023
facebook
share this

Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Reggee Bonoan - October 21, 2023 - 09:31 AM

Francis M may huling habilin kay Joey De Leon, may kinalaman kaya sa paglantad ng mag-inang Gail Francesca, Abegail Rait?

Francis Magalona, Joey De Leon, Abegail Rait

MAY kinalaman kaya ang biglang paglitaw ng sinasabing ‘anak ni Francis Magalona na si Gail Francesca, 15 years old na planong pasukin ang showbiz sa viral video ni Joey de Leon ngayon?

Si Gail Francesca ay anak ni Abegail Rait sa Master Rapper at isang taon noon ang bata nang pumanaw ang umano’y ama nito.

Ang viral video ay panayam ni Joey sa reporter ng news program ng GMA 7 na Saksi habang nasa burol ng namayapang si Francis Magalona sa Christ The King, Greenmeadows, Pasig City noong Marso 7, 2009.

Base sa panayam sa tinaguriang Henyo ng Eat Bulaga na E.A.T. na ngayon ay ikinuwento niyang mahilig mag-text sa kanya si Francis kahit maysakit na.

Aniya, “Oo nagte-text ‘yan hindi ako marunong mag-text, eh, so, siya lang ang text ng text sa akin, updated ‘yan.”

Baka Bet Mo: Francis M jersey na ibinenta ni Abegail Rait, binibili ng P2.5-M kay Boss Toyo?

At dito binanggit na may huling mensahe sa kanya si Kiko na hindi niya puwedeng banggitin.

“Yung huling text sa akin hindi ko pwedeng sabihin. ‘Yung mga ibang taga-Bulaga lang hindi pwede eh. Sabi ko nga sa ibang networks sabi ko in time baka ma-kuwento ko. Medyo may kapilyuhan pero I consider it a dying wish din.  Someday baka ibulong ko sa ‘yo.

“Nakakatuwa ‘yun ang huli niya hindi naman ako maka-return (textback) kasi hindi naman ako nagte-text pero updated ‘yan kahit sa tsismis.”

At binanggit din na susundin ni Joey ang dying wish ni Francis sa kanya.

“Very thoughtful ‘yan si Kiko, eh.  kahit maysakit na nagugulat kami kapag may mga intriga (concerned) kahit mga damit ng babae (hosts) pinapansin niya.  Ganyan ‘yan to be attach to the show araw-araw na ginagawa niya.  ‘Yun nga ang number bilib ako diyan, napakatapang na tao,” kuwento ni Joey.

At dahil dying wish ang terminong sinabi ni Joey ay sa kanya kaya ibinilin ang bunsong anak ni Kiko o baka naman ipinagtapat niyang may anak siya na hindi ang asawang si Pia Arroyo-Magalona ang ina.

Nagpasalamat naman ang Saksi reporter at nagbilin pa na sana balang araw ay maikuwento ni Joey ang huling mensahe sa kanya ng namayapang si Francis Magalona.

Samantala, kaliwa’t kanan ang bashing na natatanggap nI Ms. Abegail Rait dahil papasok pala ng showbiz ang anak, bakit kailangang gamitin ang taong namayapa na?

Kaya hindi raw maiwasang hindi mag-react ang isa sa Magalona siblings na si Frank dahil ni-like niya ang komento ng netizen na homewrecker ang ex-lover ng amang si Francis.

Sa kasalukuyan ay nanatiling tahimik o hindi naglalabas ng statement si Pia at ang kanyang mga anak.

Bukas ang BANDERA sa kampo nina Pia at mga anak tungkol sa sinabing ‘dying wish’ ni Kiko na sinabi umano nito kay Joey.

Related Chika:

Maxene Magalona nagbabala tungkol sa mga pekeng kaibigan: ‘They are very, very real’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: ‘Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful…a part of you dies’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending