‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo

‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’

Pauline del Rosario |October 20,2023
facebook
share this

‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’

Pauline del Rosario - October 20, 2023 - 11:00 AM

‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’

PHOTO: Facebook/Abegail Rait

SUPER thankful ngayon ang dating karelasyon ni Francis Magalona na si Abegail Rait dahil nabigyan ng pagkakataon ang kanyang anak na maging bahagi ng legacy ng Master Rapper.

Ito ay sa kabila ng halo-halong reaksyon matapos niyang ibunyag ang naging secret relationship nila ng yumaong OPM icon.

Magugunita na ang “Pinoy Pawn Star” vlog ni Jayson Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo ang naging daan upang maisiwalat ni Abegail ang sikretong matagal na niyang tinatago. 

Nagbenta si Abegail ng memorabilia (isang jersey) ni Francis M kay Boss Toyo at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa past nila ng Pinoy icon.

Ayon kay Abegail, mahigit isang dekada rin silang nanahimik ng kanyang anak na pinangalanan niyang Gail Francheska na isinunod din daw sa pangalan ni Kiko.

Baka Bet Mo: Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

Matapos nga mag-viral, nagpasalamat ang dating flight attendant kay Boss Toyo dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na ikwento ang kanilang storya.

“Grateful to share Francis M’s memorabilia now for keeps,” saad niya sa isang Facebook post.

Caption pa niya, “Thank you, Pinoy Pawn Stars Boss Toyo for making us part of Kiko’s legacy for Cheska.”

Kasunod niyan, ibinandera ng dating flight attendant ang video nilang mag-ina kung saan binisita nila ang puntod ni Francis M sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Lahad pa niya, “Thank you baby papa [heart emoji] belated happy birthday in heaven.”

PHOTO: Screengrab from Facebook/Abegail Rait

Samantala, inamin ni Boss Toyo na sinubukan niyang mag-reach out sa asawa ni Francis M na si Pia Magalona bago nito ibinandera ang vlog tampok ang nagpapakilalang dating karelasyon ng master rapper.

Chika ng social media personality, nagulat siya sa naging kuwento ni Abegail dahil akala niya ay isang mahalagang item lang ang dala nito.

Dagdag pa niya, kinilabutan siya sa ibinahaging istorya ng nagpapakilalang dating karelasyon ni Francis M at matapos ang kanilang pagkikita ay agad siyang nag-search sa internet kung mayroon bang naging tsismis noon na nagkaroon ng ibang karelasyon ang master rapper habang nagsasama sila ng asawa.

“I did text her twice to inform her na nagpunta si Abegail and the kid and I informed her also through text that naka-schedule siya ng 8AM to be uploaded,” sey ni Boss Toyo sa isang interview.

Pagpapatuloy niya, “So I didn’t get a response, so sabi ko, baka… I don’t know kung ano. Kasi alam ko rin yung mafi-feel ni Ma’am Pia about it. Alam ko naman ’yun eh.”

Pag-amin ni Boss Toyo, aware naman siya na may masasaktan sakaling ibahagi niya ang video dahil hindi lang ito simpleng kwento mula sa nakaraan.

“Hindi naman ako magga-gaslight na hindi ko alam na may masasaktan. Pero kasi kahit hindi siya sakin lumabas, lalabas siya eh,” sabi pa niya.

Hindi na rin daw sinubukang tumawag pa ni Boss Toyo sa asawa ni Francis M dahil hindi niya alam kung sasabihin at nahiya na rin siya.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim, Vice inalala ang pinagdaanang hirap sa buhay; naranasan ding mag-ulam ng toyo, ketchup

Iking muling nakapiling si Angel Locsin after 17 years: Superhero ka pa rin sa mata ko, Ate!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending