Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: 'Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!' | Bandera

Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

Ervin Santiago |October 18,2023
facebook
share this

Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 02:00 PM

Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: 'Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!'

Francis Magalona, Francesca at Abegail Rait

IBA’T IBA ang reaksyon ng mga Marites at netizens sa biglang paglantad ng babaeng nakarelasyon umano noon ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

May mga humanga sa tapang ni Abegail Rait na ibandera at ipagsigawan sa buong universe ang dati nilang relasyon ng OPM icon at ang pagkakaroon nila ng anak, pero may mga bumatikos at nangnega rin sa kanya.

Ayon sa mga kumampi kay Abegail na dating flight attendant, tama lang na ipakilala niya sa publiko ang anak nila ni Francis M at wala raw silang nakikitang masama rito dahil karapatan din ito ng bata.

Ngunit marami ring bumatikos sa kanya dahil siguradong maiiba na raw ang tingin ng mga tao sa pumanaw na actor-singer nang dahil sa kanyang rebelasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May mga nagsabi rin na tila ginagamit lang ni Abegail at ng anak niyang si Gaile Francesca si Francis M para magpakakontrobersyal lalo pa’t mismong ang dating flight attendant na ang nagsabi na may planong pumasok sa showbiz ang anak niyang si Francesca.

Base kasi sa panayam ng vlogger na si Boss Toyo kay Abegail, very soon daw ay magso-showbiz na rin ang anak tulad ng tatay umano nitong si Francis M. Pangarap din daw ng dalaga na maging singer at rapper.

Baka Bet Mo: Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

Nakapanayam ng Boss Toyo ang mag-ina sa kanyang “Pinoy Pawnstar” vlog kung saan nagbenta rin sila ng jersey memorabilia ni Francis M.

Kamakailan ay dumalaw din sina Abegail at Francesca sa puntod ni Francis M kasabay ng paggunita sa kaarawan nito.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang asawa ni Francis na si Pia Magalona. Bukas ang BANDERA sa kanyang panig.

Narito naman ang mga comments ng BANDERA readers sa isyung ito.

“Kulang siguro binigay ni Pia pang sustento dito. Teka nga makalantad na – shubet.”

“Bigyan Ng chance Ang bata. dugot laman ni Francis M yan. Like Maja Salvador and Lovi Poe. sisikat Yan. maganda Siya at talented. I’m sure magiging masaya si Francis niya sa magiging successful anak niya. magkaruon Ng showbiz career.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Magalona (@piamagalona)


“Bkit nman NGAYON KA LANG, lumantad? Ipa DNA na yan para makita ang  kanyang KARAPATAN.”

Baka Bet Mo: Pokwang nag-file na ng petisyon para ipa-deport si Lee O’ Brian: Para sa karapatan ko at ng anak ko

“Hindi nag Habol mg karapatan si mam. bago kasi mag comment basa basa din sa article pra d ka mag mukhang iwan.”

“May mga photos din po sila ng papa nia tatlo pa sila may family picture. halatang kamuka naman nia papa nia, at di naman naghahabol ng pamana or what ung mag ina gusto lang nia malaman ng tao na nag e exist silang mag ina at soon to be artist ang anak. Papasok ng showbiz din ang c cheska ok na po ba kau better manuod full video bago ngawngaw poh.”

“Wala talagang maitagong lihim habang buhay….its ok lng kung totoo talaga dahil ang bata talagang hanapin nya ang katotohanan sa buhay nya…good luck.GOD BLESS.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ok lng yan.para magkapuwang sa showbis.parang pacman din.may anak sa labas.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending