Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko | Bandera

Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

Ervin Santiago |October 17,2023
facebook
share this

Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

Ervin Santiago - October 17, 2023 - 05:18 PM

Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

HOT topic ngayon sa social media ang paglantad ng isang dating flight attendant na nagke-claim na may anak sila ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona o kilala rin bilang Francis M.

Ikinagulantang ng mga netizens ang mga rebelasyon ni Abigail Rait tungkol sa naging relasyon nila noon ni Francis M na nagbunga raw ng isang anak.

Viral na ngayon sa social media ang video mula sa “Pinoy Pawn Star” vlog ni Boss Toyo kung saan isiniwalat nga ni Abegail ang sikretong matagal na niyang pinakatagu-tago.

Nagbenta kasi si Abegail ng memorabilia (isang jersey) ni Francis M kay Boss Toyo at dito nga niya naikuwento ang tungkol sa past nila ng yunaong Pinoy icon.

Ayon kay Abegail, mahigit isang dekada rin silang nanahimik ng kanyang anak na pinangalanan niyang Gail Francheska. Isinunod daw ito sa pangalan ni Kiko.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona may pa-tribute sa 59th birthday ni Francis M; ibinandera ang 8 hindi mababayarang pamana ng ama

“For 15 years, nanahimik ako. Siguro naman ito na lang yung karapatan na puwede kong magawa para sa kanya (Cheska).

“Hindi naman ako nagsalita, e. I know people will judge me but we exist. What we had is real,” ang sabi ni Abegail sa nasabing vlog habang ibinebenta ang ilan sa mga memorabilia ni Francis na aniya’y nagpapatunay sa kanilang relasyon.

Ayon sa dating flight attendant, kinuha raw ni Francis ang kanyang cellphone number nang magkrus ang landas nila sa studio ng “Eat Bulaga” noon.

Hanggang sa magkahulugan sila ng loob at nauwi nga sa seryosong relasyon at nabiyayaan ng isang anak, “What we had is real, me and my daughter exist. Mahal niya kami (Francis) and that’s a fact.”

Napakasakit din daw para sa kanilang mag-ina nang malamang namatay na si Francis M dahil sa sakit nito.

Kuwento pa ni Abegail, namana ni Francheska ang talento ng kanyang ama sa pagkanta at pagra-rap.

Nito lamang October 4 ay dinalaw pa ng mag-ina ang puntod ni Francis sa Loyola Memorial Park, sa Marikina City, nang gunitain ang 59th birthday nito.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay walang pahayag ang pamilya ni Francis M. Bukas ang BANDERA magiging official statement ng biyuda ng OPM icon na si Pia Magalona pati na ng kanyang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
‘Bagsakan’ polo ni Francis M naibenta na, Gab Chee Kee hindi susuko sa paglaban sa ‘cancer monster’: Nakakalakad na siya on his own!

Maxene Magalona may pa-tribute sa 59th birthday ni Francis M; ibinandera ang 8 hindi mababayarang pamana ng ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending