Bagong dyowa ni Pambansang Kolokoy nai-insecure raw kay Marites Mondina, true bang inaatake sa socmed? | Bandera

Bagong dyowa ni Pambansang Kolokoy nai-insecure raw kay Marites Mondina, true bang inaatake sa socmed?

Reggee Bonoan |October 06,2023
facebook
share this

Bagong dyowa ni Pambansang Kolokoy nai-insecure raw kay Marites Mondina, true bang inaatake sa socmed?

Reggee Bonoan - October 06, 2023 - 09:23 AM

ITO ang ikatlong bahagi ng mga rebelasyon ni Grace Mondina na kilala rin bilang Marites sa social media, tungkol sa kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Pambansang Kolokoy o Joel Mondina.

Dito, itinanggi nga ni Grace ang sinasabi ni Joel na lagi silang nag-aaway at pinalalayas siya at laging inilalabas ang mga gamit niya kaya tinuluyan na niyang umalis.

“When Jo? When did we do that?  This is the first time!  When we were in California that never happened. This only happened when we moved to Las Vegas (Nevada), so, what are you talking about?” gigil na tanong ni Grace sa ama ng mga anak.

Inamin ni PK na noong hindi pa siya nagba-vlog ay walang-wala siya at si Grace lang ang may pera bilang siya ang may pinag-aralan.

Sagot ni Grace, “Walang-wala ka? Okay even you didn’t have anything, you know, you don’t have education, you don’t have any assets, you don’t have skills, I stayed with you.

“I never mistreated you because I made more money? I didn’t make money.  I think you made more money than me when you’re doing the Facebook and YouTube.

“Kung talagang walang-wala ka, you were able to afford a Ferrari, Maserati, BMW, and a Benz (Mercedes), so, what are you talking about?” aniya pa.

Baka Bet Mo: Mga pasabog ni Pambansang Kolokoy kinontra ni Marites Mondina, puro kasinungalingan daw

Dagdag pa, “Without us you can’t make any money, so you just used us. You intentionally stop paying for the car that I was driving because you wanted it to be repossess because Dawn Sherrine Esguerra said that she wanted me to take the bus.

“But what about your other cars?  Where are they now, they’re repossess right?  But don’t worry even if you don’t pay for my car because it was reposses I can manage, I can have my own car,” aniya pa.

Binanggit din ni Grace na may kanya-kanya silang pera ni Joel, “You have your own money, I never touch your money you have your own bank account, we have a separate bank account, I never saw your money, so, if you were smart you would have buy a property, something that valuable asset.”

Pero hindi raw ginawa ni PK dahil mas ginusto nitong maging show-off sa lahat, “That you can afford those fancy cars.  That was your main goal to let the people in Sta. Maria where we live that that you can afford those cars.”

Nagalit daw si PK kay Grace nang kinausap niya ang mga anak nila sinabing kaya umalis na ang daddy nila ay dahil may iba na itong pamilya.

“I sat down the kids and I told the kids that he had an affair and he’s having a baby with someone. The two boys who have autism of course they don’t understand but the youngest CJ said like, ‘Dad, you cheated on mom?  How can you do that?’

“He (CJ) was so disappointed and you know Jo, you’re so mad at me for telling them because you don’t want them to know.

“You know what when CJ gets older he will understand that his dad doesn’t know how to communicate, that his dad doesn’t can’t control himself, that his dad’s solution is to cheat,” klaro ni Grace.

Ikinuwento rin ni PK kay Ogie na inamin niyang iniwan nito ang nanay ng mga anak niya pero never niyang iiwan ang tatlo nilang anak bagay na kinontra ulit ng ex-wife niya.

“You did leave them because do you know how many months you haven’t seen them?  If you didn’t leave them, you would be present. You would be with them all the time.

“You can’t go on months and months without seeing them.  Being on Facetime is different than being there for them, especially Aaron and Jason (parehong may autism),” paliwanag ng ina ng mga anak ni PK.

At naging emosyonal na si Grace nang ikuwento niya na ang anak nilang si Aaron ay araw-araw/gabi-gabi na pinapanood ang YouTube channel ng ama dahil nami-miss siya at mahal siya nito. Sabi naman ni Jason ay kailan daw ulit magiging buo ang pamilya nila.

“The only thing I can say is, ‘sorry he has his own family now, you just have to accept it. This is the new normal now.  We just have to go on. Your presence is important expecially Aaron and Jason, all three of them and sending Uber to eat or whatever doesn’t compare to being with them,” say pa ni Grace.

Ipinagtapat din ng ina ng mga anak ni Pambansang Kolokoy natuklasan niya na ang natatangap na allowance ni Aaron (may autism) mula sa social security ng Amerika ay ginastos nito.

“He’s getting government checks and I just barely found this out when you left that all those plane tickets, all those hotel stays, restaurant, food, Uber, gifts, you use Aaron’s money for those things.  All those things were paid by Aaron’s social security checks.

“Everything was in that statement (billing). I was so sad Joe. I was so sad that you use it and your 3rd party. How could you do that? I’m so sad and so shocked!” pambubuking ni Grace.

Isa pang ikinasama ng loob ng todo ni Grace ay nang mawala na ang ina niya sa mundo at in-inform ng anak niya si PK ay nagsabi raw ito ng, ‘mabuti naman at wala na.’

“You were happy? How can you do that?  She was the number one person who took care of our kids when we both work. For you to say that you’re glad that she was gone? This is unacceptable,” emosyonal na sabi ni Grace.

Samantala, humingi ng pabor si Grace kay PK na pagsabihan si Sherrine Dawn Esguerra na tigilan na siya dahil ini-stalk siya sa social media accounts at kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa kanya na halatang galing kay Joel ang impormasyon dahil siya lang daw ang nakakaalam ng lahat.

“She and her minions and fake accounts go into my social media that whatever I post they comments, they attack me.  I don’t understand why she hates me so much, Dawn must be quite, I should be the one doing that for you but I’m not going into your social media accounts,” saad ni Grace,

Marami nga raw nagpapadala ng kung anu-ano kay Grace mula sa minions ni Sherrine Dawn pero tinatawanan lang daw ito ng una at hindi niya ito papatulan.

Baka raw insecure ang present wife ni PK kay Grace dahil nga popular ito at nagkalat ang pangalan at mukha nito sa social media kaya nga pinapatanggal na nito ang pictures at videos nito sa lahat ng accounts ni Joe at ipalit ang mukha ni Sherrine Dawn Esguerra at baka dahil dito ay matatahimik na at sisikat na rin pagdating ng panahon.

Nasambit pa na baka raw super selos ang present wife ay dahil naka-tattoo sa dibdib ni PK ang malaking pangalan nitong Grace kaya sa tuwing makikita raw ito ni Sherrine Dawn ay sobrang nai-insecure.

Sa kasalukuyan ay may tampo ang anak nina PK at Grace na si Jason (may austism) dahil napagalitan daw ito ng una nang mag-tantrums kaharap ang bago nitong asawa hanggang sa binato nito ng cellphone at tinamaan sa noo.

Ayon kay Grace ay alam naman daw ni PK ang sitwasyon ng anak kaya bakit niya ito pinagalitan at binato pa ng cellphone at alam daw ito ni Sherrine Dawn.

Gayun pa man ay kailangan si PK ng kanilang mga anak kaya sabinga ni Grace, “I don’t care if you left me, but the kids they’re so important. They need you but where are you?”

Samantala, binalikan namin ang videos ni Pambansang Kolokoy na kaka-post lang niya sa kanyang YT channel at maraming beses na silang nagkaroon ng lakad ng mga pinsan, kaanak pamangkin at apo, pero hindi naman kasama ang tatay niya na ayon sa panayam niya kay Ogie Diaz ay masayang-masaya na siya dahil nakakasama na niya ang ama.

Nandito pa rin sa Pilipinas si PK at kung hindi kami nagkakamali ay mahigit apat na buwan na siyang naririto kaya siguro sobrang miss na miss na siya ng kanyang mga anak.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Joel Mondina o Pambansang Kolokoy tungkol sa mga ipinagtapat ng dati niyang asawang si Grace.

Related Chika:

Rebelasyon ni Marites Mondina, Pambansang Kolokoy never nagbigay ng panggastos sa bahay, sinumbatan sa panloloko sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens naiyak sa huling video ng naghiwalay na mag-asawang sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending