Mga pasabog ni Pambansang Kolokoy kinontra ni Marites Mondina, puro kasinungalingan daw | Bandera

Mga pasabog ni Pambansang Kolokoy kinontra ni Marites Mondina, puro kasinungalingan daw

Reggee Bonoan |October 05,2023
facebook
share this

Mga pasabog ni Pambansang Kolokoy kinontra ni Marites Mondina, puro kasinungalingan daw

Reggee Bonoan - October 05, 2023 - 08:44 AM

Mga pasabog ni Pambansang Kolokoy kinontra ni Marites Mondina, puro kasinungalingan daw

Joel Mondina at Marites Mondina

HINDI pa pala tapos ang parunggitan ng ex-couple vloggers na sina Joel Mondina na mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy at Grace Mondina a.k.a. Marites dahil may bago na namang pasabog ang huli.

Nitong mga nagdaang araw ay nakikita namin ang post ni PK sa kanyang social media na pino-promote ang TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” dahil kasama na siya rito bilang isa sa bilanggo na kaibigan ni Vandolph Quizon at kaaway ang grupo nina Coco Martin bilang si Tanggol.

At lumantad na rin ang bagong asawa ni Kolokoy at ina ng anak niyang si Juju na nangangalang Sherrine Dawn na nag-post na rin ng mga larawan nilang dalawa kasama ang anak nila.

May post din si Sherrine Dawn ng video ng “Batang Quiapo” na binabati niya si Pambansang Kolokoy dahil natupad na ang pangarap niya.

Ang caption ng video ay, “Congrats Love! I am honored to be able to share this moment with you. May this new chapter in your career bring about more growth for you.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)


“This is your answered prayer Love. Not many are given such an opportunity to do what they love and call it their job. I’m so proud of you.

“Always remember that you have family and friends that loves you, fans that support you and me – who will forever be by your side no matter what happens. Iloveyou (heart and plane emojis) #paburgerkanaman.”

Ang post na ito ay nitong Agosto, 2023 pa pero hanggang ngayon ay nandito pa sa Pilipinas si PK base na rin sa latest vlogs niyang kaka-upload lang sa kanyang YouTube channel kasama ang kanyang mga kamag-anak sa probinsya.

Anyway, marahil ito ang dahilan kung bakit nanawagan si Miss Grace sa kanyang YouTube channel na pinost niya nitong Oktubre 3 na nagsabing, “I don’t care if you left me, but the kids they’re so important. They need you but where are you?”

Tatlong lalaki ang anak nina Joel at Grace, ang dalawa ay may autism spectrum disorder (ASD) at marahil ay hinahanap na ang kanilang ama dahil nasanay sila na nu’ng naghiwalay ang magulang nila ay every week ay nagkikita-kita sila.

Baka Bet Mo: Pambansang Kolokoy hiniwalayan si Marites Mondina nang palayasin sa bahay: ‘Kailangan nang itigil ‘to kasi hindi na healthy ang relationship’

Kamakailan lang pala napanood ni Miss Grace ang panayam ng ex-husband niya sa vlog ni Ogie Diaz dalawang buwan na ang nakararaan at nakakuha ito ng 1.9 million views.

Napa-react nang husto ang ex-wife ni Pambansang Kolokoy dahil pawang kasinungalingan daw ang mga pinagsasabi nito.

Isa-isang sinagot ni Miss Grace ang mga pinagsasabi ni Joel tulad ng binuo nilang vlog na Pambansang Kolokoy with 2.16 million subscribers na ang karakter niyang Marites ay ang dating asawa ang nagbigay at lahat ng ipinapakita nila sa video ay turo lahat ni PK pati mga sasabihin ay pawang scripted pati ang tungkol sa mamahaling sasakyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)


“I supported him and just to let you know, that was Marites and Marites is different to Miss Grace,” saad ng ex-wife ni PK.

Bungad ni Miss Grace, “It’s my first time to see the video (interview ni Ogie) and I’m sure he didn’t tell you everything he probably just barely touch on some stuff but for me I’m going to tell you guys the whole story, the truth what really went on, things that he didn’t cover, things that he didn’t share with you.

“What I’m going to do is to respond on his story to you. And I hope this video will give you guys clarity and give you guys more information’s about what went on,” aniya.

May ipinakita sa video na e-mail galing kay PK na pinaabangan nito ang panayam niya kay OD (Ogie Diaz) na marami na raw nakapanood at sinabi pang magpa-party na si Grace (magsaya na) dahil nagpa-party na si Kolokoy.

Nasambit din na hindi na papayag si Joel na siya lang ang masisira sa paghihiwalay nila ng asawa aniya, “Hindi ako papayag na ako lang ang sira I will take you with me.”

Unang video na ipinakita ay ang tanong ni Ogie, “Bakit hindi kayo ang forever?  Bakit naghiwalay kayo?”

Sagot ni PK, “Kasi bago pa ‘yung hiwalayan may mga isyu na kaming dalawa na hindi namin ma-explain, unti-unti ng naglalaho ‘yung pagmamahalan sa isa’t isa.

“Nagkakaroon na kami ng problema kahit na minor pa ‘yan o malakihan but as time goes by, unti-unting (wala na) kaya (nag-usap) na I think kailangan ng itigil ‘to kasi hindi na healthy ‘yung relationship,” aniya.

Umabot sa 25 years ang pagsasama ng ex-couple kaya marami silang subscribers ang nanghihinayang sabi ni Ogie na ang sagot naman ni PK, “manghihinayang siguro ako kung meron dapat panghinayangan.”

Ang sagot ni Miss Grace, “So, we were together for 25 years with three kids with accomplishments (natapos niya ang kanyang pag-aaral as a nurse).  We helped you where you are right now, hindi ka nanghihinayang doon?

“And you know what, you said that you became famous on your own (as vlogger). Don’t forget about me, CJ (bunsong anak nila), Wander Z, Chooze One and Happy Campers (vlogger friends). Where would you be if we’re not there to support you?  What kind of person you are?”

Isa pang sinabi ni PK ay nu’ng ipinanganak ang mga anak nila ni Grace ay siya na ang nag-alaga dahil nga that time ay nag-aaral ang kanyang ex-wife na siya rin naman daw ang nagsabi na huwag ng intindihin ang mga anak nila at mag-concentrate sa pag-aaral para matupad niya ang mga pangarap niya.

Sagot ni Miss Grace, “We both work, I work for fulltime, you work fulltime, I went to school fulltime plus let’s not forget, I work two jobs, okay? You (said) you’re the only one took care of the kids, you forgot about my mom (pinakita ang mama niya sa video).

“My mom took care of our kids.  Even she’s still working she took care of our kids unlike your mom. So, don’t say you’re the only one. I worked from home Mondays to Fridays and Saturdays and Sundays I went to the facilities to work, so, don’t tell that you’re the only one took care of the kids, give us some credits,” sabi pa.

Sa part 2 ay sinagot ni Miss Grace ang paratang ni PK na siya ang dahilan kaya hindi nito kinakausap ang magulang niya at kung paano niya nakilala ang mama ni Juju na asawa na niya ngayonNetizens naiyak sa huling video ng naghiwalay na mag-asawang sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina

Netizens naiyak sa huling video ng naghiwalay na mag-asawang sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pambansang Kolokoy umalma sa interview kay Marites: ‘Ayaw kong magsalita against her pero kapag pinilit ako, magsasalita ako’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending