Pambansang Kolokoy umalma sa interview kay Marites: 'Ayaw kong magsalita against her pero kapag pinilit ako, magsasalita ako' | Bandera

Pambansang Kolokoy umalma sa interview kay Marites: ‘Ayaw kong magsalita against her pero kapag pinilit ako, magsasalita ako’

Ervin Santiago |May 02,2023
facebook
share this

Pambansang Kolokoy umalma sa interview kay Marites: ‘Ayaw kong magsalita against her pero kapag pinilit ako, magsasalita ako’

Ervin Santiago - May 02, 2023 - 07:15 AM

Pambansang Kolokoy umalma sa interview kay Marites: 'Ayaw kong magsalita against her pero kapag pinilit ako, magsasalita ako'

Joel Mondina at Marites Mondina

PINALAGAN ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang “Pambansang Kolokoy” ang isang chika tungkol sa kanila ng dating asawang si Marites.

Nabasa ni Joel sa isang entertainment website ang isang ulat na nagsasabing  matagal na raw knows ni Marites na may ka-affair siyang ibang babae.

Mababasa sa naturang report ang pahayag ni Marites about Joel, “It’s not new to me anymore. She called and told me about the affair last year.”

Ayon kay Pambansang Kolokoy, “one-sided” daw ang pagkakabalita ng nasabing issue dahil hindi raw kinuha ang kanyang panig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)


“Puro ka fake news kasi lagi kang one sided! Bat di mo din kunin side ng iba?! Anong ‘affair?’ Baka magulat ka pag sinabi kong nag-file na ng UNCONTESTED divorce ‘yan beginning year of 2021. Do the math!” ang pahayag ni Joel.

Sabi pa ng kilalang vlogger, marami na raw nasabing hindi magaganda at below the belt ang kanyang estranged wife patungkol sa kaiya, pero mas pinipili niya ang manahimik na lang.

“Ang dami na niyang nasasabi na masasama tungkol sa akin pero ni minsan hindi ako nagsalita.

Baka Bet Mo: Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na

“Pero kung gaano kadami mga sinabi tungkol sa akin, triple naman ang sa akin. Ayaw kong magsalita against her pero pag pinilit ako, magsasalita ako.

“PS- Si Baby Juju nabuo ‘yan November 2021, do the math again,” ang paglilinaw pa ni Joel.

Na-shock ang mga netizens, lalo na ang mga supporters nina Marites at Pambansang Kolokoy nang aminin ng huli na naghiwalay na sila. Kasunod nito ang pag-amin ni Joel na may iba nang itinatangi ang kanyang puso.

Narito ang ilang comments ng netizens sa FB post ni Joel tungkol sa pinagsasabi umano ng dati niyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)


“Ndi nman kc magpa file if wlang basehan baka pa ulit-ulit nlng. A woman won’t give up her marriage until she needs to in order to save herself from downing and despair. Bingyan nlng Nia ng kalayan kesa ha ang buhay xang ma stress!”

“Ganyan talaga maingay ang MGA ex na Di makamove on.kung di bitter tahimik.”

“I watched almost all of Miss Grace interviews, she never said anything against you.”

“You know what it is!! people have so much to say about a lot of things!! As long as your HAPPY and you really look more HAPPIER than ever my opinion keep doing what you do BEST!! No validations needed!! At the end of the day!! It’s who you choose and what you do is truly just your business!! I love JUJU she is amazing and I love your contents more than ever… Forget the math it’s all NONSENSE.”

“Ciguro d nmn mag ganyan ka close ung mga anak xa tatay nla at xa baby Juju qng malaking kasalanan ng tatay nla dba.Lagi akong nanonood ng blog nla simula noong cla pa ng una.”

“Well, maybe the affair happened before November. Haha! I think it’s a mark of a gentleman not to say anything. Respect na lang sa ex-wife mo who was there with you for decades.”

Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens naiyak sa huling video ng naghiwalay na mag-asawang sina Pambansang Kolokoy at Marites Mondina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending