Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na | Bandera

Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na

Reggee Bonoan |August 31,2022
facebook
share this

Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na

Reggee Bonoan - August 31, 2022 - 07:31 PM

Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na
MATAGAL na naming pinapanood ang vlogs ni Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy sa YouTube channel nila ng asawang si Marites Mondina dahil nakakawala talaga ng stress.

Nagsisimula pa lang yata ang PB ay isa na kami sa subscribers nito for almost six years bago pa nagputukan ang mga YT channels ng ilang celebrities na ang topics ay tungkol sa showbiz na isa rin sa pinagkukunan ng balita.

Walang showbiz issue kasi ang PB kundi puro tungkol sa buhay nilang pamilya, paano sila nakarating ng Amerika, anong trabaho nila, ilan ang mga anak, at nasubaybayan namin kung paano sila magregalo ng mga mamahaling sasakyan sa isa’t isa, ang pagkagiliw nito sa mamahaling sneakers at marami pang iba.

Si Marites naman na nag-aral para marating niya ang kinalalagyan niya ngayon at aminado rin namang mas malaki ang kinikita niya kaysa kay Pambansang Kolokoy ay nakapasa rin sa entrance exam para makapag-aral ng abogasya.

Sa totoo lang ang sarap nilang panoorin lalo na kapag pina-prank nila ang isa’t isa dahil halatang napipikon na pero kontrolado pa rin kasi nga nakaharap sila sa camera.

Kaya isa rin kami sa mahigit dalawang milyong subscribers nila sa nalungkot nang ibalita ni Joel na hiwalay na sila ni Marites pagkalipas ng 20 years of marriage.

Anong nangyari dahil nga okay naman sila base sa napapanood namin sa vlogs nila na kahit nag-aaway ay bati-bati rin bago sila magtapos.

Pero ang lahat pala ay palabas lang sa mga huling buwan na base rin sa kuwento ni Joel, “Sa amin pong private life hindi na po inilalabas sa social media, unlike other vloggers na they would vlog everything in their lives about what’s going on.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)

“For me kasi, pag good vibes, good vibes lang, there’s no drama. I know everytime na nakikita n’yo kami sa social media, me and Marites is such a perfect relationship, di ba? Ang dami-daming nagsasabi na ‘idol namin si Marites at si Kolokoy because you guys ay parang perfect couple,'” aniya.

Bumuntong-hininga muna si Kolokoy, “Ahhh, that’s social media mga bestfriends, siyempre alangang ipakita mo ‘yung mga tunay na nangyayari in front of the camera, of course you’re not gonna do that because like I said, that’s your private life.

“What’s going on behind the camera, stays behind the camera. So, dahil good vibes ang aking content, we have to look good, we have to make you guys laugh, not to make you guys cry or get mad,” sabi pa niya.

Inaming maraming nangyayari sa likod ng kamera na hindi alam ng kanyang subscribers.

Base sa huling vlog nina Kolokoy at Marites ay apat na buwan na ang nakararaan at napansin nga naming kahit tumatawa ang huli ay halatang may lungkot na ang kanyang mga mata.

Umamin din si Joel na mayroon na siyang iba, “Yes, I have someone else and we are happy.”

Anyway, ang tatlong anak nila ay nasa pangangalaga ni PB at inabing hindi niya pababayaan ang mga ito at lahat ng hilingin nila ay ibinibigay niya kahit hirap na ay kailangan niyang kayanin bilang responsableng ama at alam lahat ito ng mga taong nakakakilala sa kanya.

“Hindi ko naman po sisiraan si Marites dahil for 20 years, we had good times din naman plus nanay siya ng mga anak ko and nag-uusap pa rin kami every once in a while about the kids at okay na okay ang mga anak ko,” diin nito.

Samantala, hindi apektado si Kolokoy sa mga nagsasabing hindi na susuportahan ang kanyang YT channel dahil wala na si Marites.

“Yes, I don’t think magkakaroon pa kami ng videos ni Marites. Mga bestfriends, hindi ko naman kayo tinututukan ng baril sa ulo para panoorin ninyo ako.

“Sa tingin ko naman ay mayroon pa ring susuporta sa akin kahit wala na si Marites sa videos ko because I started by myself naman. But I’m pretty sure naman na you guys, sisilip, silip pa rin kayo,” napangiting sabi ni Kolokoy.

Binasa namin ang mga komento at halos lahat ay umaming nalungkot sila at maging okay sana sila sa kani-kanilang buhay at hoping pa rin ang iba na pagdating ng araw ay muli silang magbalikan.

Pero sabi naman ni Kolokoy, may inaayos na raw sila at marahil nga ito ay ang kanyang divorce papers.

Related Chika:
‘Pambansang Katrabaho’ Billy Crawford naikot na ang 3 major TV network; ‘hinamon’ sina Vic, Marian at Dingdong

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel tinawag na ‘Marites’ ng netizens dahil sa pambubuking ni Kris

Coco Martin Pambansang Bayani ng telebisyon: ‘Kung may forever nga lang sa ‘Probinsyano, bakit hindi?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending