Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online | Bandera

Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online

Therese Arceo |September 03,2022
facebook
share this

Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online

Therese Arceo - September 03, 2022 - 01:23 PM

Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online
PINILI na lang ng komedyanteng si Pambansang Kolokoy na huwag nang pansinin ang mga nangba-bash sa kanya matapos kumalat ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Marites Mondina.

Mainit na pinag-usapan sa social media ang dalawa matapos kumpirmahin mismo ng komedyante na hiwalay na sila ng kanyang kabiyak matapos ang kanilang 20 years na pagsasama.

Pero sa kabila ng mga nangyari ay sinabi ni Pambansang Kolokoy na patuloy lang siya sa kanyang buhay at sa paggawa ng mga videos online.

Aniya, nagsimula naman daw siya noon na walang nanonod sa kanya kaya naman hindi na bago sa kanya kung talikuran man siya ng mga netizens dahil sa nangyari sa relasyon nila ng dating asawa.

“Pa tuloy pa rin akong gagawa ng mga videos, may manonood man o wala, dahil nag umpisa naman ako sa walang nanonood eh,” saad ni Pambansang Kolokoy.

Dagdag pa niya, “Pera? Hindi matutumbasan ng gaano mang ka daming pera ang tunay na kaligayahan sa mundo o kasikatan.”

Chika pa ni Pambansang Kolokoy, bukal naman daw sa kanyang kalooban na tanggapin ang mga ibinabatong mga paratang ng madlang pipol matapos niyang ibalita ang paghihiwalay nila ni Marites.

“Mas nanaisin ko pang ako na ang lumabas na pinakamasama kaysa sa pamilya ko,” lahad niya.

Muling payo ni Pambansang Kolokoy, “Tratuhin niyo na lang [nang] tama ang mga asawa, nobya, nobyo niyo dahil ang kahit sino pang pinaka mabait na tao sa balat ng lupa ay mapipilitang hahanap talaga ng tunay na ikaliligaya niya.”

Sa ngayon ay deleted na ang post niya sa Facebook.

Matapos ang kanyang anunsyo patungkol sa kanilang hiwalayan ni Marites ay marami sa mga netizens ang naghalungkat at muling binuhay ang mga posts at videos ni Pambansang Kolokoy patungkol sa pag-aalaga sa partner at mga tips paano mapatagal ang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)

Sey ng mga netizens, sa huli raw ay kinain nito ang kanyang mga salita dahil naghiwalay rin sila ng asawa at ngayon nga ay may bago na siyang partner.

Sa kabila nito ay inamin naman ni Pambansang Kolokoy na maayos ang relasyon nila ng dating asawa maging ng kanyang mga anak.

Related Chika:
Confirmed: Pambansang Kolokoy at Marites Mondina hiwalay na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coco Martin Pambansang Bayani ng telebisyon: ‘Kung may forever nga lang sa ‘Probinsyano, bakit hindi?’

‘Pambansang Katrabaho’ Billy Crawford naikot na ang 3 major TV network; ‘hinamon’ sina Vic, Marian at Dingdong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending