Ms. Grace may YouTube Silver Play Button na, inalala ang pagsisimula ng YT channel: This is just temporary, not a lifetime thing…
MATATAWAG na “good karma” si Ms. Grace ang ex-wife ng YouTuber na si Joel Mondina o mas kilala bilang si Pambansang Kolokoy dahil sa mga biyayang natatanggap niya ngayon na pinasok na rin ang pagiging YouTube creator.
Noong December 26, 2022 lang nagsimulang magkaroon ng sariling YT channel na may pangalang “withmissgrace” na ayon sa kanya ay hindi pa ito naging aktibo agad at matagal bago niya ito nalagyan ng laman at ngayon ay may 268,0000 subscribers na kaya naman ang saya-saya nito nang matanggap na niya ang kanyang YouTube play buttons or YouTube Plaque.
Sa latest upload ni Grace sa kanyang YT ay ikinuwento niya kung paano siya nagsimulang magbukas ng sariling channel.
“In the beginning I didn’t want to do YouTube but people kept telling me to start my own channel (which) I didn’t wanna do it because I’m just too busy and I was afraid. Thank you very much for your support even though bad things happened and you guys still supporting me, thank you, thank you so much,” pahayag ni Grace.
Bagama’t ipinagmamalaki ito ni Ms. Grace bilang bagong achievement niya, pero hindi naman niya ito ipinagmamayabang bagkus ay nagbigay pa siya ng payo sa lahat na kapag may natatanggap na blessings.
Aniya, “If you’re doing okay and there are people who are starting and they want to collab with you, please don’t ignore them. Just because you have a million followers all you have all these followers and subscribers please give them a chance don’t ignore them.”
Baka Bet Mo: Sa wakas, Bong Revilla natanggap na ang YouTube Silver Play Button; mamimigay ng P1-M, 2 kotse, 5 motorsiklo
View this post on Instagram
Nabanggit pa na napakaraming baguhang content creator na nag-iimbita sa kanya para makipag-collab at tinatiyaga niya itong puntahan.
“I drive three hours to collab with them to help them who does that? They should be coming to me but I’m the one driving there, so, just be humble, just keep helping each other if they want your help. Don’t be snobbish, don’t be too arrogant, don’t think you’re untouchable because you have plenty of followers and subscribers because anything can happen. This is just temporary, this is not a lifetime thing,” paliwanag ng dating asawa ni Pambansang Kolokoy.
Kaya ganito ang payo ni Grace ay dahil nu’ng nagkahiwalay sila ng asawang si Joel o PB ay wala siyang sariling YT channel at wala rin naman siyang planong magkaroon nito, pero sa udyok at tulong mga kaibigan nila (ni Joel) tulad nina Wander Z na kinukuha siyang guest sa channel nito ay naging interesado na rin siya.
Ang masakit pa sa parte ni Grace o Marites ay ng may mabasa siyang komento na, “ewan ko lang kung anong mangyayari sa ‘yo thinking that I would gonna be nothing, I would gonna be loser after the break-up. But you know what (sabay pakita ng kanyang silver play button award) look how I’m doing for sure you don’t have this (basher).”
Samantala, sabi pa ni Grace na kapag kilala ka na sa YT ay maraming bashers, haters and minions.
“Expect that when you’ll make it big you will get those comments just ignore them. Just continue to upload, and be authentic,” sambit pa ni Grace or Marites.
Related Chika:
Grace Lee nagdemanda matapos ibenta ang pag-aaring resto, buyer ayaw daw magbayad ng utang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.